Mga taga-Bacolor nagbago ang buhay sa ‘May Bukas Pa’

Sampung taon na mula nang huling napanood ang inspirational na teleseryeng “May Bukas Pa” sa ABS-CBN pero damang-dama pa rin ang positibong epekto nito sa komunidad na nagsilbing lokasyon nito.

The post Mga taga-Bacolor nagbago ang buhay sa ‘May Bukas Pa’ appeared first on Abante News Online.

mga taga bacolor nagbago ang buhay sa may bukas pa - Mga taga-Bacolor nagbago ang buhay sa ‘May Bukas Pa’
ABANTE SIMBAHAN - Mga taga-Bacolor nagbago ang buhay sa ‘May Bukas Pa’
BANTAY TELESERYE
Ni: Dondon Sermino
Zaijian Jaranilla binalikan ang simbahan ni ‘Santino’
 
 
Sampung taon na mula nang huling napanood ang inspirational na teleseryeng “May Bukas Pa” sa ABS-CBN pero damang-dama pa rin ang positibong epekto nito sa komunidad na nagsilbing lokasyon nito.
 
Sa tribute video na ipinalabas kamakailan lang ng Kapamilya network para sa ika-65 na anibersaryo nito, ikinuwento ng iba-ibang taga-Bacolor, Pampanga kung paano binago ng programang pinagbidahan ni Zaijian Jaranilla ang kani-kanilang buhay.
 
Ayon sa dating Kura Paroko ng San Guillermo Church na si Fr. Jesus Garcia Manabat Jr., nakatulong ang pagsikat ng “May Bukas Pa” sa muling pagbangon ng simbahan at ng Bacolor, na nasalanta ng lahar.
 
“After ng ilang buwan ng pagninilay-nilay, nagkaroon kami ng lakas ng loob na mag-umpisa. Eventually, ang isa sa magandang nangyari noon, naging landmark (ang simbahan). Biglang puma­sok ‘yung ABS-CBN noon and because of ‘May Bukas Pa’ parang ‘yung pang-araw-araw na nakikita nila sa TV, parang nagbigay ng lakas ng loob sa maraming tao,” ani Fr. Jesus.
 
Dahil marami na ang dumarayo roon para makita ang simbahan at ang cast ng programa, lumago rin ang karinderya ni Apu Puring, na ginamit ring lokasyon sa ilang eksena. Si Rowena Roado naman, ipinangalan ang anak na ipinagbubuntis kay “Santino” dahil gusto niya itong lumaking malapit sa Diyos. Maging ang extra noon na si Kristian Rei Cayanan, hindi pa rin malimutan kung paano siya na-engganyo ng “May Bukas Pa” na magdasal at kausapin si “Bro” at maging isa na ngayong seminarista.
 
Dagdag pa ni Father, “Marami sa mga taga-Bacolor ang natulungan ng programa na mas magkaroon ng magandang kinabukasan. Nakatulong siya sa kabuhayan. Nakatulong siya nang malaki sa pananampalataya.”
Naging espesyal pa ang naging pagbisita ng ABS-CBN sa kanila sa pagdating ni Zaijian na sinamahan sila sa pagdarasal.
 
Samantala, patuloy ang ABS-CBN sa paghahatid ng mga “Kwentong Kapamilya” na may dalang inspirasyon at pag-asa. Bukas (Hulyo 25), mapapanood natin ang kuwento ng pamilya ni Shane Aubrey de Vega na may sakit na brain cancer. Sa tulong ng DZMM, natupad ang kanyang pangarap na makita ang kanyang paboritong artista na si Toni Gonzaga.
 
Nitong Biyernes naman (Hulyo 26), makikilala si Mommy Tess Cachero, isang cancer patient na hilig ang manood ng “It’s Showtime” para hindi niya maramdaman ang sakit tuwing iniindyeksyunan ng gamot. Tulad ni Shane, nabigyan din siya ng pagkakataong makilala ang mga idolo tulad nina Vice Ganda, Anne Curtis, and Vhong Navarro na nakatulong sa kanyang pagbangon.
 
 

The post Mga taga-Bacolor nagbago ang buhay sa ‘May Bukas Pa’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *