Mga show nina Luis, Vice Ganda may utang kay Ethel Booba

Ay, bilib na talaga ako kay Ethel Booba, ha! At sobrang bilib na bilib na rin sa kanya ang mga netizen, dahil sa lakas ng loob niya, o tapang talaga niya.

mga show nina luis vice ganda may utang kay ethel booba - Mga show nina Luis, Vice Ganda may utang kay Ethel Booba
luis x vice x ethel - Mga show nina Luis, Vice Ganda may utang kay Ethel Booba

Ay, bilib na talaga ako kay Ethel Booba, ha! At sobrang bilib na bilib na rin sa kanya ang mga netizen, dahil sa lakas ng loob niya, o tapang talaga niya.

Hinamon nga si Ethel ng mga netizen na pangalanan ang mga show na matagal magbayad sa mga guest nila. Nagreklamo nga kasi si Ethel na may mga show raw na nag-guest siya, na isang taon na ay hindi pa niya nakukuha ang talent fee.

Kaya hamon ni ‏@SteffiLicheon: “Di mo kayang mag-name drop ng show mamah?”

At hindi nga siya inurungan ni Ethel na sumagot ng: “Minute To Win It. Ilang minutes ako nag-antay sa bangko wala pa din pala eh mag 1 year na. Charot!”

Sabi naman ng netizen na si @poisanz123: “Dati todo tanggol pa sya sa ABS-CBN. Pera2x lang talaga.”

At sagot nga ulit ni Ethel: “Show lang nila tinutukoy ko na delay sa bayad di ko naman sinabing entire network. Even ibang network naman may show sila na may problem minsan pag iissue na payment. Charot!”

Siyempre, dahil nabanggit na ang name ng show, kaya nag-comment na rin si Luis Manzano, ang host ng show.

“Pa check ko Ethel!” sabi ni Luis.

“Thank you Luis sa help. Charot!” sagot naman ni Ethel.

Pero, bukod sa “Minute To Win It”, pati raw ang “Gandang Gabi Vice” ay may utang din kay Ethel, ha!

Sabi kasi ni ‏@BhebeJZ: “Naku meme @vicegandako sana naman hindi @GGViceNa ang tinutukoy sa tweet ha?”

At heto nga ang hirit ulit ni Ethel: “Actually may guesting pa ako sa GGV na di pa din nabibigay ang TF until now. Charot!”

Well, may mga TV station kasi na may hinihinging requirements sa mga guest nila, na kapag hindi mo nai-deliver, mahihirapan ka talagang maningil.

Hindi na nga ito tulad noon na puwede ang kaliwaan, na kapag nag-guest ka, ibibigay agad sa iyo ang talent fee mo. Sa higpit na kasi ng BIR na tsini-check ang lahat, kaya siguro nangyayari ang mga eksenang ito. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *