Mga seksing starlet ibebenta ng ‘Ang Probinsyano’

Marami na ngang ‘chicks’ na nakita ang mga manonood sa long time running teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano”, at kailan nga lamang ay may mga bagong kababaihan ang lumabas sa naturang serye na nagpainit sa gabi ng mga manunood, lalo na ng kalalakihan.

mga seksing starlet ibebenta ng ang probinsyano - Mga seksing starlet ibebenta ng ‘Ang Probinsyano’
diana x frankie x jessica - Mga seksing starlet ibebenta ng ‘Ang Probinsyano’

Marami na ngang ‘chicks’ na nakita ang mga manonood sa long time running teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano”, at kailan nga lamang ay may mga bagong kababaihan ang lumabas sa naturang serye na nagpainit sa gabi ng mga manunood, lalo na ng kalalakihan.

Mata pa lang ay sinasabing nangungusap na at tila hinihila na ang kalalakihan sa nakakaakit na pagtingin. Nag-trend sa social media ang latest eksena ng mga ito sa serye dahil maski ang ilan sa kababaihan ay nadala sa kanilang makamandag na pagtingin na sinabayan pa ng sexy sound effects.

Kinilala nga ang mga mapang-akit na babae na sina Diana Russel, Franki Russel at Jessica Marasigan. Talagang tumatak ang mga close-up shot nila – mula mata, labi, daliri ay nagmarka sa isip ng mga fan.

Sina Franki at Diana ay kapwa nanggaling sa “Pinoy Big Brother” na mapalad ngayong maging bahagi ng naturang serye.

Kung ilarawan nga sila ay mga Charlie’s Angels ng Pilipinas, ayon sa mga tweet ng ilang mga netizen. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *