Mga Pinoy sa US iritado kay Julia?

Sa gitna ng kontrobersiya na hinaharap ngayon ng aktres na si Julia Barretto kung saan nadadawit ito at ina­akusahang dahilan umano ng hiwalayang Bea Alonzo at Ge­rald Anderson, nagpakita na ito sa unang pagkakataon sa publiko sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

mga pinoy sa us iritado kay julia - Mga Pinoy sa US iritado kay Julia?
julia 4 - Mga Pinoy sa US iritado kay Julia?

Sa gitna ng kontrobersiya na hinaharap ngayon ng aktres na si Julia Barretto kung saan nadadawit ito at ina­akusahang dahilan umano ng hiwalayang Bea Alonzo at Ge­rald Anderson, nagpakita na ito sa unang pagkakataon sa publiko sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Papunta nga ng San Francisco si Julia para sa gaganaping “ASAP” show doon.

Sinabi ng aktres na tutok muna siya ngayon sa magiging espesyal na kaganapan sa San Francisco.

Naka-shades man pero nakangiti pa rin kahit papaano ang aktres. At excited daw siya sa nalalapit na performance sa San Francisco.

Samantala, kahit idinidiin na kay Julia ang tanong tungkol sa reaksyon niya sa mga kontro­bersyia na bumabalot sa kanila nina Gerald Anderson at Bea Alonzo ay inulit lamang nito ang sagot na focused lamang siya sa “ASAP” na gaganapin sa mga susunod na araw.

Nakarating si Julia sa NAIA ilang sandali matapos dumating din ang kanyang ka-love team o ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

Anyway, nakatakdang ganapin naman ang “ASAP” nga­yon, August 3. At abangan natin kung ano ang magiging reaksyon ng mga fan sa US kapag nakita nila si Julia. May mga nagsasabi kasi, at mababasa sa Twitter, na mga nakabase sila sa America, at iritado rin sila kay Julia. Well, tingnan na lang natin kung manonood sila ng show, at kung ano ang gagawin nila, ha! (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *