Mga Pinoy frontliner sa Great Britain pinuri, pinasalamatan

Mga Pinoy frontliner sa Great Britain pinuri, pinasalamatan

Bumida nang husto at pinasalamatan pa ang mga Pinoy medical frontliner sa ibang bansa. Nakaposte sa Instagram ni Julius Babao ang clip ng “Good Morning Britain”, isang morning show sa Great Britain na pinag-uusapan ang COVID-19 situation sa kanilang bansa, at ang mga medical frontliner na humaharap para gamutin ang mga virus infected na pasyente.

mga pinoy frontliner sa great britain pinuri pinasalamatan - Mga Pinoy frontliner sa Great Britain pinuri, pinasalamatan
abante frontliners - Mga Pinoy frontliner sa Great Britain pinuri, pinasalamatan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 142 2 336x224 - Mga Pinoy frontliner sa Great Britain pinuri, pinasalamatanBumida nang husto at pinasalamatan pa ang mga Pinoy medical frontliner sa ibang bansa. Nakaposte sa Instagram ni Julius Babao ang clip ng “Good Morning Britain”, isang morning show sa Great Britain na pinag-uusapan ang COVID-19 situation sa kanilang bansa, at ang mga medical frontliner na humaharap para gamutin ang mga virus infected na pasyente.

Sa usapan pinuri at pinasalamatan ng mga host ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga medical center at hospitals sa UK bilang mga nurses.

Binanggit pa ang mga pangalan ng mga head nurses sa kani-kanilang mga departamento lalo na doon sa mga nakatalaga sa ICU at ER stations.

Sabi ng mga host, malaking bagay ang compassion o malasakit ng mga Pinoy medical frontliners sa pandemic na ito.

Saad pa nila, ang mga gaya ng mga itong migrant workers ang nakakatulong sa kanilang mga bansa, at dapat na papuriha at pasalamatan.

Nakaramdam ng pagkabilib sa kanyang sarili bilang Pinoy si Julius sa papuri ng mga host sa mga kababayan natin.

“Salute to our Filipino nurses in the UK.! You make us proud!” sabi pa ni Julius.

Mga showbiz media nabiyayaan ng FDCP

Nagsimula na ngang umandar ang ayuda ng gobyerno para sa mga manggagawa ng film and television industry at sa mga freelance entertainment media, sa ilalim ng DEAR program ng FDCP ni Chair Liza Diño-Seguerra.

Tumanggap na ang ilang mga audio-visual workers mula sa upisina ng FDCP galing sa disaster fund ng gobyerno na inilagak sa ilalim ng COVID-19 Crisis.

Nagkakahalaga ng P20M ang budget ng FDCP sa mga nawalan ng trabaho at hindi under ng regular payroll sa mga film at publication company.

Mula nang pumutok ang COVID-19 na nagdulot ng lockdown sa buong Luzon, agad na umaksyon si Chair Liza para may mapagkukunan ng makakain ang mga nabanggit na industry worker.

Sa ngayon ilang entertainment press na ang nakatanggap ng ayuda, na idiniposito sa kani-kanilang mga account sa banko.

Mga artista kinalimutan ang mga entertainment reporter

Malaking tulong ang programa ni Chair Liza sa gitna ng pandemic lalo’t karamihan sa mga artista ay nakatuon sa pagpapasikat sa social media, sa pagtulong nila sa mga frontliner.

Nakalimot ang marami sa mga itong lingunin ang mga kasamahan nila sa industriya na tumulong para mapaganda ang kanilang mga pelikula, at mabigya sila ng publicity na siyang dahilan ng kanilang magandang estado sa buhay at maging popular.

Humigit-kumulang sa 2,500 workers ang mabibigyan ng ayuda sa parehong sector, ayon sa panayam namin kay Chair Liza sa messenger chat namin kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *