Mga Pinoy celeb nagluksa kay Black Panther

Nagluksa ang mga artistang Pinoy sa pagkamatay ni Black Panther Chadwick Boseman.

The post Mga Pinoy celeb nagluksa kay Black Panther first appeared on Abante.

mga pinoy celeb nagluksa kay black panther - Mga Pinoy celeb nagluksa kay Black Panther
Black Panther - Mga Pinoy celeb nagluksa kay Black Panther

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Mga Pinoy celeb nagluksa kay Black PantherNagluksa ang mga artistang Pinoy sa pagkamatay ni Black Panther Chadwick Boseman.

“This hurt when I first found out today…wakanda forever, Rest In Peace, King T’Challa. Thank you for making black more beautiful,” sabi ni Sharon Cuneta.

“#WakandaForever may you rest in peace #ChadwickBoseman,” saad ni Arnel Pineda.

“Wakanda Forever! RIP #ChadwickBoseman,” sey naman ni Bianca Manalo na pinoste rin ang larawan niya na inspired sa mga babaeng character sa kaharian ni King T’Challa.

“Rest in Peace My King T’Challa. Wakanda Forever,” post ni Janno Gibbs.

Nag-post naman si Luis ng larawan ni Chadwick na nagsasabing hindi dapat ginagawang katatawanan ang pagbabago sa katawan ng isang tao, dahil posibleng may pinagdadaanan itong karamdaman. Makikita sa larawan si Chadwick na naka-costume ng Black Panther na maganda ang katawan, katabi ang close up photo nito na hulas sa kapayatan ang mukha.

“Be kind, di natin alam lahat ng pinagdaraanan ng isang tao….” Sabi pa ni Luis.

“RIP Chadwick Boseman. Sadness and shock filled our hearts today. What an amazing man who inspired many of us. Thank you,” pahayag naman ni Jericho Rosales.

***

Alessandra wala nang datung

Binulatlat nang husto ni Alessandra de Rossi ang mahirap na estado niya dahil sa pandemya. Sa interview kay Alex ni Luchie Cruz-Valdez sa Usapang Real Life ng TV5.

Isa sa mga pasabog ni Alex sa interview ay ang pag-amin niyang malapit na siyang ma-bankrupt. Dahil walang trabaho sa showbiz, wala raw pumapasok na income.

“Yung bank account ko right now…is pa-bankrupt na,” sabi pa niya.

Binanggit din niya ang pagkakaospital ng kanyang ama sa Italy. Tatlong beses daw naoperahan ito.

“Sobrang dami kong sinabi dito mula 2010! Ewan kung paano magkakasya! Manonood ako whaahahaha! Thank you Ms. Luchi!” sabi ni Alex.

***

Melissa inalok ng kasal ni Michael

Engaged na nga si Melissa Ricks sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael. Pinoste ni Ara Mina ang larawan ni Melissa na kuha sa engagement proposal ng kaibigan.

Naka-long gown si Melissa at naka-white long sleeves ang lalake.

Ipinakita ni Melissa sa photo ang daliri na may engagement ring. Hindi nakapunta si Ara sa engagement kaya binati na lang niya ito sa IG.

Si Melissa ay may anak na sa isang negosyante. Naging karelasyon din ni Melissa noon sina Jake Cuenca at Paul Jake Castillo.

The post Mga Pinoy celeb nagluksa kay Black Panther first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *