Mga pelikulang tumalakay sa sakripisyo, milagro ni Hesus

It’s Holy Week at panahon ito para pagnilayan ang mga naging sakripisyo at hirap ni Hesukristo para maligtas tayong lahat.

The post Mga pelikulang tumalakay sa sakripisyo, milagro ni Hesus appeared first on Abante News Online.

mga pelikulang tumalakay sa sakripisyo milagro ni hesus - Mga pelikulang tumalakay sa sakripisyo, milagro ni Hesus
ABANTE pagnilayan - Mga pelikulang tumalakay sa sakripisyo, milagro ni Hesus

Ni Ruel Mendoza

TANAW-BALIK:

It’s Holy Week at panahon ito para pagnilayan ang mga naging sakripisyo at hirap ni Hesukristo para maligtas tayong lahat.

Panahon din ito ng mahabang bakasyon ng pamilya, magpahinga mula sa araw-araw na trabaho at magsama-sama sa pagdarasal at pagdalaw sa mga simbahan.
Isa rin sa ginagawa ng marami sa Holy Week, kung hindi sila nagbabakasyon sa labas o sa iba’t ibang probinsya ng bansa, ay ang staycation o ang magbakasyon lang sa sariling bahay.

At para maalala ang sakripisyo at mga naging milagro ni Hesukristo sa ating buhay, ito ang ilang pelikula na tamang-tama lang panoorin ngayong Holy Week.

HIMALA (1982)

Ang 1982 Filipino drama film directed by Ishmael Bernal ay produced by the Experimental Cinema of the Philippines. Mula sa panulat ni Ricky Lee, base ang kuwento sa ilang series of alleged Marian apparitions sa ilang kabataang kababaihan sa Cabra Island in Occidental Mindoro noong 1966 hanggang 1972.

Si Nora Aunor ang napiling gumanap bilang Elsa, ang babaeng nakakita diumano sa imahen ng birhen sa isang burol at doon siya biglang nagkaroon ng kakayahan na manggamot sa may mga sakit. Pinakita rin sa pelikulang ito ang pag-exploit ng maraming tao sa tinatawag na “himala” sa pamamagitan ng paghingi ng pera, pagbenta ng mga imahen at panlalamang sa kapwa.

Nanalo rito si Nora bilang best actress sa 1982 Metro Manila Film Festival, and in 1983, ito ang first Filipino film to be included in the “Competition Section” of the Berlin International Film Festival. Noong November 2008, “Himala” won the Viewer’s Choice Award for the Best Film of All Time from the Asia-Pacific Region in the 2008 CNN Asia Pacific Screen Awards.

PAHIRAM NG ISANG UMAGA (1989)

Ang Ishmael Bernal drama na ito ay tungkol sa isang successful career woman na si Juliet (Vilma Santos) na na-diagnose na meron siyang cancer sa utak. Para walang masayang na panahon, ginawa ni Juliet ang lahat para maayos ang mga gulo sa buhay niya, kasama na rito ay ang makilala ng kanyang anak ang ama nito na may iba nang pamilya.

Ginawa ni Juliet ang ultimate sacrifice na iwan ang kanyang trabaho at ipaubaya na ang kanyang anak sa ama nito. Nakilala rin ni Juliet si Ariel (Eric Quizon), isang depressed and suicidal artist, na nabuksan niya ang mata na masarap ang mabuhay at ituloy niya ito habang may pagkakataon pa. Nanalo rito ng acting awards sina Vilma at Eric mula sa Gawad Urian at Star Awards.

MAKIUSAP KA SA DIYOS (1991)

Ang 1991 Lino Brocka film na ito ay pinagbidahan ni Ruffa Gutierrez bilang isang madreng ginahasa at nabuntis. Iniwan niya ang pagiging madre para pakasalan ang isang lalakeng nagpakita ng pagmamahal sa kanya, only to discover na ito pala ang gumahasa sa kanya. Pinapakita ng pelikulang ito ang pagbibigay-tiwala sa isang tao at ang pagpapatawad sa isang malaking pagkakasala. At sa Diyos ka lang kakapit para makamit mo ang hustisya. Kasama rin sa pelikula sina Christopher de Leon at Gabby Concepcion.

KRISTO (1996)

Ito ay ang Filipino cinematic interpretation ni Direk Ben Yalung of the life of Jesus Christ. Produced in 1996 by Cine Suerte Productions and Oasis of Love Movement, pinagbibidahan ang “Kristo” ni Mat Ranillo III kasama sina Rez Cortez (as Judas Iscariot), Ruel Vernal (Peter), Michael Locsin (John), Charmaine Rivera (Virgin Mary), and Amy Austria (Mary Magdalene).

Kasama rin sa all-star cast in guest roles ay sina Gabby Concepcion (John the Baptist), Rudy Fernandez and Lorna Tolentino (as Simon of Cyrene and Veronica respectively), Aga Muhlach (the demon-possessed man), Rachel Lobangco (the Temptress), Sylvia Sanchez (the adulteress), Lindsay Custodio (Salome), and Christopher de Leon (as Dimas as credited in the film). The narrative of “Kristo” is based on the combined Gospels of Matthew, Mark, Luke and John.

TANGING YAMAN (2000)

Isang family drama na dinirek ni Laurice Guillen tungkol sa isang pamilyang watak-watak na at ang dasal ng isang ina sa Panginoon na magkasundo-sundo na ang kanyang mga anak. Bida rito si Gloria Romero bilang si Loleng, ang mapagmahal na ina na ginugupo na ng Alzheimer’s disease.

Kasama rin sina Johnny Delgado, Edu Manzano at Dina Bonnevie bilang mga anak ni Loleng na may sama ng loob sa isa’t isa. Kasama pa sa cast sina Hilda Koronel, Joel Torre, Cherry Pie Picache, Jericho Rosales, John Prats, Janette McBride, Marvin Agustin, Carol Banawa, CJ Ramos at Dominic Ochoa. Nanalo rito si Gloria Romero ng best actress awards mula sa MMFF, FAMAS, Gawad Urian, Film Academy at Young Critics Circle.

MAGNIFICO (2003)

Isang Filipino drama na dinirek ni Maryo J. delos Reyes tungkol sa isang bata na si Magnifico (Jiro Manio) at ang pag-asa at milagro na dinala nito sa maraming tao sa paligid niya. Kasama rin sa pelikula sina Albert Martinez, Lorna Tolentino, Gloria Romero, Mark Gil, Amy Austria, Cherry Pie Picache, Tonton Gutierrez, Danilo Barrios, Isabel de Leon, Girlie Sevilla at Celia Rodriguez.

Umani ng maraming parangal ang “Magnifico” sa mga award-giving bodies dito at sa ilang international film festival. Napanalunan ni Jiro ang best actor awards mula sa Gawad Urian, Film Academy at FAMAS.

HULING BIRHEN SA LUPA (2003)

Ang religious drama na ito ni Joel Lamangan ay tumatalakay sa milagro at ano ang nagagawa nito sa mga tao sa isang tahimik na isla. Si Cion (Maui Taylor) ay nakita raw ang imahen ng Birhen at doon na nagsimulang dayuhin ng maraming tao ang kanilang lugar. Kabilang na rito ang isang nagkukunwaring pari na si Emman (Jay Manalo) na merong sikretong relasyon sa nakatatandang kapatid ni Cion na si Lorena (Ara Mina) na isang babaeng bayaran sa isla. Ginamit nila si Cion para pagkakitaan sa pekeng milagro nito. Nakarating ito sa kapitana ng isla (Elizabeth Oropesa) na kinuha si Cion para mapakinabangan at umasenso ang kanilang lugar. Nanalo rito si Ara Mina ng best actress mula sa FAMAS at Golden Screen Awards.

APARISYON (2012)

Mula sa direksyon ni Vincent Sandoval, ang psychological drama na ito set in a pre-Martial Law period ay tungkol sa dalawang madre na sina Sister Remy at Sister Lourdes sa isang isolated monastery sa Rizal. Isang gabi ay pinasok ng ilang lalake ang monasteryo at ginahasa si Sister Lourdes. Dahil sa pangyayaring ito, nalagay sa alanganin ang kanilang monasteryo at para walang gulo, walang magsasalita tungkol sa nangyari kay Sister Lourdes. Aparisyon tackles the morality, sin, faith, and guilt at ang tanong na “hanggang kailan ka mananahimik sa katotohanan?” Bida rito sina Mylene Dizon, Jodi Sta. Maria, Racquel Villavicencio, Fides Cuyugan-Asensio at Rustica Carpio.

PATAY NA SI HESUS (2016)

Ang comedy-drama na ito ni Victor Villanueva ay tungkol sa isang single mother na si Iyay (Jaclyn Jose) na dinala sa isang biyahe ang kanyang mga anak mula Cebu hanggang Dumaguete para mapuntahan ang namatay nilang ama na si Hesus. Sa naging road trip ng pamilya, mas lalo nilang nakilala ang isa’t isa at sumalubong sa kanila ang maraming nakakatawang pangyayari na mas lalong nagpatatag sa kanila bilang isang pamilya.

Kasama sa cast sina Chai Fonacier, Malde Montanez, Vincent Viado, Mailes Kanapi, Olive Nieto at Sheen Gener. Ang dialogue ng buong pelikula ay spoken in Cebuano.

The post Mga pelikulang tumalakay sa sakripisyo, milagro ni Hesus appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *