Mga pelikulang tumalakay sa problema sa pag-iisip: Jessy, Ice, Gab umamin sa sakit

Mga pelikulang tumalakay sa problema sa pag-iisip: Jessy, Ice, Gab umamin sa sakit

Nakakaalarma ang muling pagtaas ng mental health conditions among our local celebrities.

mga pelikulang tumalakay sa problema sa pag iisip jessy ice gab umamin sa sakit - Mga pelikulang tumalakay sa problema sa pag-iisip: Jessy, Ice, Gab umamin sa sakit
mental health 1 - Mga pelikulang tumalakay sa problema sa pag-iisip: Jessy, Ice, Gab umamin sa sakit

Ni Ruel Mendoza

Nakakaalarma ang muling pagtaas ng mental health conditions among our local celebrities.

Umamin kamakailan si Ice Seguerra sa nararanasan niyang depression na umabot na nang mahigit na 20 taon.

May kanya-kanyang kuwento rin ng kanilang mga mental health problem sina Janella Salvador, Claudia Barretto, Gab Valenciano, Keempee de Leon, Manolo Pedrosa, Kristoffer Martin, Jasmine Curtis Smith, Jessy Mendiola at Heart Evangelista-Escudero.

Ayon sa website na MentalHealth.gov, “Mental health includes our emotional, psychological, and social well-being. It affects how we think, feel, and act. It also helps determine how we handle stress, relate to others, and make choices. Mental health is important at every stage of life, from childhood and adolescence through adulthood. Many factors contribute to mental health problems, including: Biological factors, such as genes or brain chemistry; Life experiences, such as trauma or abuse and Family history of mental health problems.”

Mabibilang na sa higit na 450 million people worldwide are affected by mental health. Ang major depression ranks fourth among the Top 10 leading causes of disease worldwide. May bilang na one million people commit suicide every year and 10 to 20 million attempt it.

Kaya hindi biro at hindi dapat binabale-wala ang mental health. Heto ang ilang pelikula na tumatalakay sa masamang epekto ng mental health…

THREE FACES OF EVE (1957)

This 1957 American mystery drama film directed by Nunnally Johnson, based on the book of the same name about the life of Chris Costner Sizemore, written by psychiatrists Corbett H. Thigpen and Hervey M. Cleckley. Tungkol ito kay Sizemore o mas kilala bilang si Eve White, Eve Black at Jane, isang babaeng na-diagnose na merong dissociative identity disorder (then known as multiple personality disorder). Naging concealed case ang sakit na ito ni Sizemore at isinapubliko lang ang mental case niya in 1977. Nanalo rito si Joanne Woodward ng Academy Award for Best Actress dahil sa husay na pagganap niya sa three personalities na sina Eve White, Eve Black, and Jane.

SYBIL (1976)

Isa itong two-part movie-made-for-television na pinagbidahan ni Sally Field bilang si Sybil Dorsett, isang teacher na pagkatapos mahimatay sa harapan ng kanyang mga student, binigyan siya ng neurological examination at lumabas na meron siyang dissociative identity disorder. Bunga ito sa pinagdaanan niyang psychological trauma noong bata pa lang siya. Dahil sa pinagdaanang child abuse, nakapag-develop ng 16 different personalities si Sybil. Ito ay sina Peggy, Vicky, Vanessa, Marcia, Ruthie, Mary, Nancy, Clara, Helen, Marjorie, Sybil Ann, Mike and Sid. Dahil sa husay sa pagganap ni Sally Field, nanalo siya ng Outstanding Lead Actress in a Drama or Comedy Special sa 1977 Emmy Awards. Nanalo naman ng 1976 Peabody Award ang nag-produce ng Sybil na NBC-TV for “a truly outstanding dramatic program”.

FRANCES (1982)

Directed by Graeme Clifford, this biological film ay tungkol sa buhay ng troubled actress na si Frances Farmer. Naudlot ang acting career ni Frances noong 1930s dahil sa pinagdaanan niyang mental health illness at kinailangan siyang ipasok sa isang mental institution noong 1940s. Sa naturang institution, inabuso mentally and physically si Frances sa pamamagitan ng electroconvulsive shock therapy, pambubugbog at ang paggahasa sa kanya ng ilang male orderlies at ng mga bumibisitang mga sundalo sa malapit na military base. Bago siya pinalabas noong 1950s, dumaan siya sa isang involuntarily lobotomy o isang psychosurgery that severs connections in the brain’s prefrontal cortex. Sa pagganap niya bilang si Frances Farmer, nakatanggap ng best actress nomination si Jessica Lange sa 55th Academy Awards.

GIRL, INTTERUPTED (2000)

This psychological drama film, directed by James Mangold, is based on Susanna Kaysen’s 1993 memoir tungkol sa kanyang pagiging isang patient sa isang mental institution. Pagkatapos magkaroon ng mental breakdown at ma-diagnose with borderline personality disorder, dinala si Susana (Winona Ryder) sa isang psychiatric hospital kunsaan nakasalamuha niya ang iba’t ibang babae na may kanya-kanyang mental health problem tulad ng isang sociopath, pathological liar, sexually abused teen, burn victim, anorexic at isang lesbian. Nanalo rito si Angelina Jolie ng best supporting actress sa Academy Awards, Golden Globe at Screen Actors Guild para sa pagganap niya as the sociopathic patient Lisa Rowe.

A BEAUTIFUL MIND (2001)

Based on a true story on the life of John Forbes Nash, Jr. (Russell Crowe) na isang mathematical savant, pero may mental illness na paranoid schizophrenia. Na-capture ng film director na si Ron Howard ang mga naging paranoia, hallucinations at delusions na sumasakop sa pagkatao ni Nash. Dahil sa sakit niyang ito, naapektuhan ang kanyang career bilang isang professor sa Princeton University at ang relasyon niya sa kanyang asawa na si Alicia (Jennifer Connelly). Dumaan sa insulin shock therapy si Nash, pero ang side effect nito ay ang pagiging physically unresponsive niya sa lahat ng bagay. Nanalo ito ng apat na Academy Awards including best picture, best director, best adapted screenplay and best supporting actress for Connelly.

SILVER LININGS PLAYBOOK (2012)

This romantic-comedy-drama directed by David O. Russell is adapted from Matthew Quick’s 2008 novel The Silver Linings Playbook. Kuwento ito ni Pat Solatano (Bradley Cooper) na nag-spend ng 8 months sa isang mental health hospital dahil sa sakit niyang bipolar disorder. Nais niyang gumaling agad sa tulong ng kanyang parents (Robert De Niro and Jackie Weaver) at makipag-ayos sa kanyang ex-wife na may restraining order laban sa kanya dahil sa ginawa niyang pagbugbog sa kalaguyo nito. On his way to recovery, nakilala niya ang isang biyuda na si Tiffany (Jennifer Lawrence) na tulad niya, may pinagdaraanan din na mental illness na borderline personality disorder. Nagtulungan silang dalawa para ma-survive nila ang kanilang mga sakit sa pagsali sa isang ballroom dance competition. Nanalo rito si Jennifer Lawrence ng best actress awards mula sa Academy Awards, Golden Globe, Screen Actors Guild, Detroit Critics Society, Houston Critics Society, Independent Spirit, Los Angeles Critics Association, MTV Movie Awards, National Society of Film Critics, Satellite Awards and Santa Barbara International Film Festival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *