Mga pelikulang tumalakay sa mga rapist, mamamatay-tao

Nag-trending sa social media ang mga hashtag na #NoToSanchezRelease at #JusticeForEileenAndAllan dahil sa paglabas­ ng balitang makakalaya na ang former­ Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, convicted­ mastermind sa rape-slay-murder case sa dalawang UP Los Banos students na sina Eileen­ Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.

mga pelikulang tumalakay sa mga rapist mamamatay tao - Mga pelikulang tumalakay sa mga rapist, mamamatay-tao
ABANTE tanaw - Mga pelikulang tumalakay sa mga rapist, mamamatay-tao

SPECIAL FEATURE
TANAW BALIK:
NI: RUEL MENDOZA

Nag-trending sa social media ang mga hashtag na #NoToSanchezRelease at #JusticeForEileenAndAllan dahil sa paglabas­ ng balitang makakalaya na ang former­ Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, convicted­ mastermind sa rape-slay-murder case sa dalawang UP Los Banos students na sina Eileen­ Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.

Judge Harriet Demetriou of Pasig City Regional­ Trial Court Branch 70 on March 11, 1995 found Sanchez and six of his henchmen guilty of seven counts of rape with homicide for the rape-slay of 21-year-old Sarmenta and the killing of 19-year-old Gomez.

Inalmahan ng maraming netizens, students, mambabatas at pamilyang Sarmenta at Gomez ang balitang makakasama raw si Sanchez sa 11,000 inmates na nabawasan ang sentensya dahil­ sa good behavior.

Marami raw ginawang paglabag sa loob ng New Bilibid Prison si Sanchez, tulad ng pagbenta ng droga at pagpapalagay ng aircon at TV sa kanyang­ kulungan nang walang permiso, kaya hindi ito qualified na mapalaya.
Sa ibang bansa, ang heinous crime na ito ni Sanchez ay diretso agad sa death sentence. Ang batas nila: “An eye for an eye, a tooth for a tooth.”
Heto ang ilang naging controversial convicted murderers na isinapelikula ang buhay at kung paano nila napagbayaran ang kanilang ginawang kasalanan.
***

H.H. HOLMES
Ang unang recor­ded na serial killer noong 1893. Sa pamamagitan ng pagbukas ng isang hotel sa Chicago called The Castle, nagawa­ ni Holmes ang pagpatay sa maraming ­naging bisita. Ginamit niya ang poisonous gas at iba pang paraan para magawa­ niya ang pagpatay sa higit na 200 ­people. Noong mapatunayan ang mga ­ginawa nitong pagpatay, binitay si Holmes sa ­Moyamensing Prison in 1896. Dalawang ­pelikula ang ginawa tungkol kay Holmes: “Holmes: America’s First Serial Killer (2004)” and “Murder Hotel: The Story of America’s First Serial Killer (2005)”.
***
CHARLES MANSON

Nakilala si Manson noong 1960s dahil sa pagbuo nito ng isang kulto na kung tawagin niya ay The Family. Noong August 8, 1969, pinasok nila ang isang mansion sa northern hills of Los Angeles kung saan ­pinatay nila ang limang tao, kasama na rito ang 8-month pregnant na asawa ng film ­director Roman ­Polanski, ang aktres na si Sharon Tate. ­Nakasama sa massacre ang heiress sa ­Folger ­Coffee ­fortune na si Abigail Folger, ang ­supermarket ­executive na si Leno LaBianca at ang asawa nitong­ si R­osemary. ­Nasentensyahan ng death si ­Manson, pero hindi naisagawa ang execution niya. ­Namatay siya sa loob ng ­kulu­ngan dahil sa heart attack in 2017. Nagkaroon ng mara­ming pelikula tungkol sa buhay ni ­Manson, ito ay ang “Helter Skelter (1976)”, “Manson (1973)”, “­Inside The Manson Gang (2007)”, “Six ­Degrees of Helter Skelter (2009)”, “Manson Family ­Vacation (2015)”, “Manson’s Lost Girls (2016)” and “Charles Manson: The Final Words (2017)”. Character din si Charles Manson sa Quention Tarantino film na “Once Upon A Time In ­Hollywood”.
***

JOHN WAYNE GACY
Nakilala bilang “Clown Killer” si John Wayne Gacy dahil nakasuot ito ng costume bilang si Pogo the Clown kapag ­ginagawa na niya ang ­kanyang pagpatay sa Cook County, Illinois in 1972 hanggang 1978. Higit na 33 bodies of young boys ang natagpuan na nakali­bing sa basement ng kanyang bahay at ang iba ay tinago niya sa mga pader. Noong maaresto si Gacy, binigyan siya ng death sentence. After 14 years on death row, he was executed via lethal injection in 1994. Pitong movies ang ginawa tungkol kay Gacy: “Gacy (2003)”, “To Catch a Killer (1992)”, “The Clown At Midnight (1999)”, “Hellbreeder (2004)”, “Dear Mr. Gacy (2010)”, “8213: Gacy House (2010)” at “Dahmer Vs. Gacy (2010)”.
***

DAVID BERKOWITZ
Naging noto­rious killer noong 1970’s in New York City si Berko­witz o mas ­kilala bilang “Son of Sam” at “The .44 Caliber Killer”. Noong Christmas eve of 1975, pinagsasaksak niya ang dalawang babae at binaril ang ilang biktima sa isang parking lot. He was arrested in 1977 and confessed to six murders. Nasentensyahan siya for 25 years to life for each victim. He was ­ordered to serve time in Attica Correctional Facility,­ an Upstate New York supermax prison. Ilang beses na ginawang pelikula ang buhay ni Berkowitz tulad ng “Summer of Sam” na dinirek ni Spike Lee in 1999 at ang 2008 DVD release na “Son of Sam by Ulli Lommel.” Nagkaroon din ng CBS TV-movie titled”Out of the ­Darkness” in 1985 at ang ­miniseries na “The Bronx Is ­Burning” in 2007.
***

TED ­BUNDY
Isa sa pinakasikat na serial killers ay si Ted Bundy na kumitil sa buhay ng higit na 36 women sa states of Washington, Idaho and Utah. Isang sociopath si Bundy na ­dahil sa kanyang kaguwapuhan ay ­madali ­niyang ma-seduce ang kahit na sinong ­babae. Kapag nahuli na niya ito, doon niya gagawin ang karumal-dumal na pagpatay sa mga ito. ­Pagkatapos nitong basagin ang mga bungo nito gamit ang anumang mabigat na bagay­, ­gagahasin pa niya ang mga ito at sabay pupugutan­ ng ulo. Unang naaresto si Bundy in 1975 pero­ ­nakatakas ito at gumawa pa ng mga krimen. In 1978, muli siyang nahuli at ­nasentensyahan siya with three death penalties. Na-silya elektrika siya in 1989. Pitong beses na isinapelikula ang buhay at kamatayan ni ­Bundy, ito ay ang “The Killing of America (1981)”, “The Deliberate Stranger (1986)”, “Ted Bundy (2002)”, “The Stranger Beside Me (2003)”, “The Riverman (2004)”, “Ted Bundy: Natural Porn Killer (2006)”, “Conversations with a Killer: The Ted Bundy Tapes (2019)”. Ang latest ay ang “­Extremely Wicked, Shockingly Evil And Vile” na pinagbidahan ni Zac Efron as Ted Bundy.

***
AILEEN WOURNOS
Dahil sa kanyang trabaho bilang isang prostitu­te sa Florida, nagawang pumatay ni Aileen ­Wournos ng pitong lalaki between 1989 and 1990. Noong maaresto si Wournos in 1991, sinabi­ niya na lahat ng mga lalaking pinatay niya ay pinagtangkaan siyang halayin kaya self-defense­ ang kanyang nagawa. Pagkatapos ng ilang trials, binigyan ng death sentence si ­Wournos. In October 9, 2002, she was ­executed by lethal injection. Ginawang pelikula ang buhay­ ni Wournos noong 2003 titled­ “Monster” kung saan­ nanalo ng Oscar best actress­ si Charlize Theron as Aileen Wournos.
***

JEFFREY DAHMER
Nakilala ­bilang “Milwaukee Cannibal” ang convicted rapist and murderer na si ­Jeffrey Dahmer. In the 1978 to 1991, Dahmer killed and dismembered 17 young men. Kinakain niya ang mga ito at pine-preserve ang ibang body parts. Naaresto si Dahmer nang makatakas ang isang biktima nito na si Tracy Edwards. Sa ­bahay ni Dahmer ay natagpuan ang ilang pugot na ulo. In 1992, he pleaded guilty to 16 murders. Sa kulungan­, he was clobbered to death ng kanyang inmate in 1994. Ilang pelikula na ginawa ­tungkol sa ­buhay niya ay “The Secret Life of ­Jeffrey ­Dahmer (1993)”, “Dahmer (2002)”, “Raising ­Jeffrey Dahmer (2006)”, “The Jeffrey Dahmer Files (2012)” and “My Friend Dahmer (2017)”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *