Mga pelikulang nagbigay-pugay sa Pasko ng Pagkabuhay

Ito ang tinatawag na Linggo ng Pagkabuhay ni Hesukristo. Ito rin ang araw na dapat magsaya tayo dahil sa bagong araw, bagong pag-asa at bagong buhay na binigay sa atin ng Panginoon.

The post Mga pelikulang nagbigay-pugay sa Pasko ng Pagkabuhay appeared first on Abante News Online.

mga pelikulang nagbigay pugay sa pasko ng pagkabuhay - Mga pelikulang nagbigay-pugay sa Pasko ng Pagkabuhay
Abante 2019 Tanaw Balik 1 - Mga pelikulang nagbigay-pugay sa Pasko ng Pagkabuhay

Ni Ruel Mendoza

Ito ang tinatawag na Linggo ng Pagkabuhay ni Hesukristo. Ito rin ang araw na dapat magsaya tayo dahil sa bagong araw, bagong pag-asa at bagong buhay na binigay sa atin ng Panginoon.

Ayon sa History.com: “Easter is a Christian holiday that celebrates the belief in the resurrection of Jesus Christ. In the New Testament of the Bible, the event is said to have occurred three days after Jesus was crucified by the Romans and died in roughly 30 A.D.”

Sa ibang bansa, they celebrate Easter with a traditional Easter Egg Hunt.

Marami ang naniniwala na ang eggs ay nire-represent ang “fertility and birth.” Egg decorating may have become part of the Easter celebration in a nod to the religious significance of Easter, i.e., Jesus’ resurrection or re-birth.

Marami ring mga pelikula na ginawa in celebration of Easter. Karamihan dito ay may temang pambata at ang iba naman ay may kinalaman sa resurrection of Christ.

Magbalik-tanaw tayo sa mga pelikulang ito na ang iba ay available for streaming…

THE ROBE (1953)

Nominated for five Academy Awards and winner of three, bida rito sina Richard Burton as Marcellus Galilo, isang Roman commander na napanalunan ang robe ni Jesus Christ sa isang dice game during the crucifixion. Ang naturang robe changed his life forever. Kasama rin sa movie sina Jean Simmons as Diana, Victor Mature as Demetrius and Jay Robinson as Caligula. Dinirek ito ni Henry Koster.

JESUS CHRIST SUPERSTAR (1973)

Isang must-see musical na sinulat nila Andrew Lloyd Webber and Tim Rice. Based on the Broadway play of the same title, tinatalakay nito ang crucifixion at pagkabuhay ni Jesus Christ pero presented in a rock opera genre. The film version directed by Norman Jewison stars Ted Neeley as Jesus Christ, Carl Anderson as Judas and Yvonne Elliman as Mary Magdalene. Kabilang sa songs na sumikat sa soundtrack nito ay “Everything’s Alright”, “This Jesus Must Die”, “Superstar” and “I Don’t Know How To Love Him”.

JESUS OF NAZARETH (1977)

Ang British-Italian mini-series na ito na dinirek ni Franco Zeffirelli ay isang straightforward retelling of the life of Christ na pinagbidahan nila Robert Powell as Jesus and Olivia Hussey as The Virgin Mary. Kasama rin sina Anne Bancroft, Ernest Borgnine, Christopher Plummer, Anthony Quinn, Rod Steiger, Michael York, Peter Ustinov and Laurence Olivier as Nicodemus.

ANNIE HALL (1977)

Isa sa unforgettable scene ng romantic-comedy ay ang
famous Easter dinner scene. Bida at director nito ay si Woody Allen as Alvy Singer, isang New York comedian na na-in love sa isang ambitious girl named Annie Hall played by Diane Keaton. The film won four Academy Awards in 1978 (Best Picture, Best Director, Best Original Screenplay, and Best Actress).

HOP (2011)

This live action computer-animated comedy is about a bunny named E.B. na ayaw sundin ang yapak ng kanyang ama bilang isang Easter Bunny dahil mas gusto niyang maging isang rock star. Featuring Russell Brand as the voice of E.B., the film also stars James Marsden, Kaley Cuoco, Hank Azaria (as the voice of the Easter Chick) and Hugh Laurie (as the voice of Mr. Bunny).

RISE OF THE GUARDIANS (2012)

Isang movie na pinagsama-sama sina Jack Frost, Santa Claus, the Tooth Fairy, Mr. Sandman at ang Easter Bunny para labanan si Pitch Black na mamayani sa utak ng mga inosenteng bata sa buong mundo. This Disney animated film features the voices of Hugh Jackman, Jude Law, Chris Pine, Isla Fischer and Alec Baldwin.

PETER RABBIT (2018)

Based on the 1902 Beatrix Potter’s Tale of Peter Rabbit ang live-action comedy adventure na ito sa isang mischievous rabbit at ang kanyang pakikisalamuha sa humans. Ang TV host-comedian na si James Corden ang nagbigay ng boses kay Peter Rabbit. Kasama rin sina Rose Byrne, Sam Neill, Marianne Jean-Baptiste at Domhnall Gleeson.

The post Mga pelikulang nagbigay-pugay sa Pasko ng Pagkabuhay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *