Mga pelikulang nagbigay-liwanag sa mga bulag

Mga pelikulang nagbigay-liwanag sa mga bulag

Maganda ang mensahe ng bagong teleserye ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards na “The Gift”. Magdadala ito ng inspirasyon at pag-asa para sa mga taong visually impaired o ang nawalan ng paningin.

mga pelikulang nagbigay liwanag sa mga bulag - Mga pelikulang nagbigay-liwanag sa mga bulag
alden richarde - Mga pelikulang nagbigay-liwanag sa mga bulag

TANAW-BALIK:
Ni Ruel Mendoza

Maganda ang mensahe ng bagong teleserye ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards na “The Gift”. Magdadala ito ng inspirasyon at pag-asa para sa mga taong visually impaired o ang nawalan ng paningin.

Bilang si Sef na biglang nabulag dahil sa isang hindi inaasahan na aksidente, magkakaroon ito ng pagkakataon na makita ang nakaraan at kasalukuyang pangyayari sa buhay ng ilang tao.

Nais iparating na mensahe ng “The Gift” na hindi natatapos ang lahat sa pagkawala ng paningin. Puwede ka pa ring mabuhay nang normal kahit isa kang bulag.

Ayon sa World Health Organization (WHO), 80% of visual impairment is either preventable or curable with treatment. Kabilang dito ang cataracts, the infections river blindness and trachoma, glaucoma, diabetic retinopathy, uncorrected refractive errors, and some cases of childhood blindness. Many people with significant visual impairment benefit from vision rehabilitation, changes in their environment, and assistive devices.

Naging tema na rin ng maraming pelikula ang tungkol sa mga taong nawalan ng paningin, pero ang pagiging bulag ay hindi naging hadlang para maabot nila ang kanilang mga pangarap at patuloy na makipaglaban sa buhay.

Heto ang mga naturang pelikula:

THE MIRACLE WORKER (1962)

This 1962 biographical film ay tungkol sa blind tutor na si Anne Sullivan (Anne Bancroft) na tinulungan na makipag-communicate si Helen Keller (Patty Duke) na nabulag at nabingi dahil sa scarlet fever noong baby pa lang ito. Pinakita rito ang struggle ng teacher at student na magtulungan sa kabila ng kanilang mga diperensya. Directed by Arthur Penn, the film is based on the 1902 autobiography of Helen Keller titled “The Story of My Life”. “Miracle Worker” won the Academy Awards for Best Actress and Best Supporting Actress.

WAIT UNTIL DARK (1967)

Isang American thriller na pinagbidahan ni Audrey Hepburn as Susy na nawalan ng paningin dahil sa isang car accident. Kahanga-hanga ang pagganap dito ni Hepburn dahil nagawa niyang labanan ang dalawang lalaking nais siyang patayin dahil sa isang manika na puno ng droga. Based on the 1966 play “Wait Until Dark” by Frederick Knott, kasama rin sa pelikula sina Alan Arkin, Richard Crenna, Jack Weston, Julie Herrod and Efrem Zimbalist Jr. Hepburn was nominated for the Academy Award for Best Actress in 1967. The film is ranked #55 on AFI’s 2001 100 Years…100 Thrills list, and its climax is ranked tenth on Bravo’s 100 Scariest Movie Moments.

ICE CASTLES (1978)

Ang romantic drama na ito ay pinagbidahan ni Lynn-Holly Johnson as Lexie Winston na nangarap na maging champion sa kanyang sport na professional figure skater. Pero dahil sa isang freak accident, nawala ang paningin ni Lexie at doon na nagsimulang gumuho ang kanyang mga pangarap. Pero sa tulong ng kanyang boyfriend na si Nick (Robby Benson), muli siyang bumangon, nag-train at nakipag-compete na walang nakakaalam na bulag pala siya. Pinasikat ng pelikulang ito ang song na “Through the Eyes of Love” na inawit ni Melissa Manchester. It was nominated for the Academy Award for Best Original Song at the 52nd Academy Awards.

SCENT OF A WOMAN (1992)

This drama directed by Martin Brest ay tungkol sa isang preparatory school student na si Charlie Simms (Chris O’Donnell) na nagtrabaho bilang assistant sa isang medically retired Army officer but irritable blind man na si Frank Slade (Al Pacino). Hindi sila magkasundong dalawa dahil sa kanilang magkaibang personalities. Pero maraming natutunan si Charlie na mahahalagang aral sa buhay mula sa isang bulag na tulad ni Frank. The film is a remake of Dino Risi’s 1974 Italian film Profumo di donna. Sa Academy Awards, nanalo ito as best picture at best actor for Pacino.

DANCER IN THE DARK (2000)

Ang musical melodrama ito na pinagbidahan ng Icelandic musician na si Björk bilang si Selma Ježková, isang immigrant factory worker na may sakit na degenerative eye condition or Macular degeneration. Unti-unti nang nawawala ang paningin niya, pero hindi ito naging hadlang para patuloy siyang magtrabaho para makaipon siya ng pera para sa pagpapa-opera ng kanyang anak. Nangangamba si Selma na baka mamana ng kanyang anak ang pagkabulag niya. “Dancer in the Dark” premiered at the 2000 Cannes Film Festival to standing ovations at napanalunan nito ang prestigious Palme d’Or at ang Best Actress award for Björk.

RAY (2004)

This biological film directed by Taylor Hackford, focused on the life of rhythm and blues musician Ray Charles, who went blind at the age of seven pagkatapos niyang ma-witness ang pagkalunod ng kanyang nakababatang kapatid. Bagama’t bulag, nahanap ni Ray ang kanyang calling bilang isang musician at naging mahusay siyang piano player. Sinamahan pa niya ito ng magandang boses niya, sumikat si Ray sa worldwide stage as he pioneered the incorporation of rhythm and blues, rock and roll, gospel, country, jazz and orchestral influences into his inimitable style. Ang actor-singer na si Jamie Foxx ang gumanap sa title role at napanalunan niya ang best actor awards mula sa Oscar, Golden Globe, BAFTA, Screen Actors Guild, and Critics’ Choice awards.

THE WAY HE LOOKS (2014)

This Brazilian coming-of-age romantic drama is based on the 2010 short film”I Don’t Want to Go Back Alone (Eu Não Quero Voltar Sozinho)”. Kuwento ito ng isang blind high school student na si Leonardo (Ghilherme Lobo) at ang struggle niya na maging independent. Tinalakay din nito ang nararanasan niyang pambu-bully dahil sa kanyang kalagayan, ang kanyang overprotective parents at ang tinatago siyang pagmamahal sa classmate niyang si Fabio (Pablo Carvalho). The film opened at the Panorama section of the 64th Berlin International Film Festival in February 2014. It won two awards at the 64th Berlin International Film Festival: the FIPRESCI Prize for best feature film in the Panorama section and the Teddy Award for best LGBT-themed feature. It was selected as the Brazilian entry for the Best Foreign Language Film at the 87th Academy Awards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *