Mga pelikulang lumaban sa karapatan ng mga beki, tibo

Para sa huling araw ng Pride Month, heto ang ilan pang mga pelikula na puwedeng i-binge watch ng mga sumusuporta sa LGBT community.

The post Mga pelikulang lumaban sa karapatan ng mga beki, tibo appeared first on Abante News Online.

mga pelikulang lumaban sa karapatan ng mga beki tibo - Mga pelikulang lumaban sa karapatan ng mga beki, tibo
ABANTE balik tanak - Mga pelikulang lumaban sa karapatan ng mga beki, tibo

TANAW-BALIK: Happy Pride Month!
Ni Ruel Mendoza

Para sa huling araw ng Pride Month, heto ang ilan pang mga pelikula na puwedeng i-binge watch ng mga sumusuporta sa LGBT community.

Sa mga nagdaang dekada, maraming pelikula tungkol sa mga beki at tibo ang nagawa, at karamihan sa kanila ay kung hindi pinapakita ang matitinding hirap ng buhay, ginagawa namang katatawanan ito.
Paluhain man tayo o patawanin, ang pagiging matapang at walang takot na harapin ang buhay ang siyang namamayani sa utak at puso ng bawat beki at tibo.
Kaya wala silang dapat na ikahiya. Batuhin man sila ng pintas, mananatili ang pride sa LGBT community…

CRUISING (1980)

Isang erotic crime thriller­ ito na dinirek ni William Friedkin na based on the novel of the same name by New York Times reporter Gerald Walker. Kuwento ito ng isang serial killer na ang nagiging biktima ay mga bading, lalo na ang mga associated sa New York’s gay S&M scene noong late ‘70s. Naatasan si Officer Steve Burns (Al Pacino) na mag-deep undercover para mahuli ang taong pumapatay. Pero si Burns mismo ay nabihag sa kakaibang mundo ng mga bading. Kahit na nagprotesta ang ilang gay communities dahil sa pag-depict ng gay sexuality, naging cult classic ito at pinapalabas ito annually sa isang kilalang gay bar sa New York.

LONGTIME COMPANION (1983)

Ang kauna-unahang pelikula na nag-chronicle sa unang taon na naging­ epidemic ang sakit na AIDS o kung tawagin noon ay “gay cancer”. Mula sa direksyon ni Norman Rene, pinakita rin dito ang naging struggle ng isang same-sex couple at kung paano nila natanggap na ang isa sa kanila ay mamamatay sa AIDS. Tumanggap ng maraming parangal ang movie, lalo na sa performance ni Bruce Davison bilang loving partner ng isang AIDS victim. Napanalunan niya ang Golden Globe, Independent Spirit Award, National Society of Film Critics,­ and a New York Film Critics Circle award for Best Supporting Actor. Nakasama ang pelikulang ito sa listahan ng 100 films ng American Film Institute.

PHILADELPHIA (1993)

Kuwento ito ng isang successful lawyer na tinanggal sa kanyang trabaho bilang senior partner sa isang law firm dahil na-diagnose siyang may sakit na AIDS. Pinakita ng director na si Jonathan Demme sa pelikula ang hirap ng pagtanggap ng discrimination at ang pagkondena sa mga taong may AIDS. Sa kanyang performance bilang si Andrew Beckett, napanalunan ni Tom Hanks ang kanyang unang Oscar best actor. Napanalunan din niya ang best actor awards sa Berlin International Film Festival, Golden Globe, MTV Movie Awards at Dallas-Fort Worth Film Critics Association.

THE ADVENTURES OF PRISCILLA: QUEEN OF THE DESERT (1994)

Isang road movie ito ng dalawang drag queen na sina Mitzi del Bra (Hugo Weaving) at Felicia Jollygoodfellow (Guy Pearce) kasama ang isang transgender woman­ na si Bernadette Bessenger (Terence Stamp). Sakay ng kanilang giant pink bus named Priscilla, tinawid nila ang Australian Outback para makara­ting sa isang cabaret gig sa Alice Springs. Sa kanilang biyahe, nasalubong nila ang iba’t ibang nakakatawa at nakakatakot na misadventures at ang pagkilala nila sa bawat isa. Hindi man naging box-office hit ang movie, pero naging hit naman ang original soundtrack nito na kinabilangan ng mga songs na “Mamma Mia”, “I’ve Never Been To Me”, “I Will Survive” at “Finally.”

THE BIRDCAGE (1996)

American rollicking­ remake ito ng 1978 Franco-Italian film La Cage aux Folles by Édouard Molinaro. Sa version na ito ni Mike Nichols, bida rito sina Robin Williams at Nathan Lane bilang gay nightclub owners sa South Beach, Florida na sina Armand and Albert. Ang anak ni Armand ay magpapakasal sa anak ng senador at kailangan nilang itago si Albert, na isang drag show star who goes by the stage name Starina, para maipakita nila na isang wholesome Catholic family sila sa harap ng senador.

HAPPY TOGETHER (1997)

Ang romantic Hong Kong film na ito by Wong Kar-wai ang naging hit sa 1997 Cannes Film Festival. Tungkol ito sa isang problematic gay couple (Leslie Cheung and Tony Leung) na nag-migrate sa Argentina pagkatapos ng handover ng Hong Kong to China para hindi malagay sa peligro ang kanilang mga buhay dahil sa kanilang relasyon. Tinalakay rin dito ang hirap ng bawat isa para maging maayos ang pagsasama sa kabila ng kanilang mga pagkakamali sa isa’t isa.

BOYS DON’T CRY (1999)

Isang biographical film ito na dinirek ni Kimberly Peirce na nagpapakita sa real-life story ni Brandon Teena, isang American transman na naging biktima ng isang brutal hate crime. Ang breakthrough performance ni Hilary Swank bilang si Brandon Teena ang nagpanalo sa kanya ng Oscar best actress. Pinuri rin ang performance ni Chloe Sevigny na gumanap bilang girlfriend ni Brandon na si Lara. Kapwa nanalo sina Hilary at Chloe ng best actress at best supporting actress awards mula sa New York Film Critics Circle, Chicago Film Critics Association Awards, Independent Spirit Award, Boston Society of Film Critics Awards and Satellite Awards.

BEGINNERS (2010)

This romantic-come­dy-drama na dinirek ni Mike Mills ay tungkol kay Oliver (Ewan McGregor) na sa gitna ng pag-ayos niya sa kanyang personal na relationship with a woman, sumabay pa ang naging issue ng kanyang ama na si Hal (Christopher Plummer) na sa edad na 75 ay umamin na isa siyang bading. Based on a true-to-life coming out story, sinubukan ni Hal ang mamuhay bilang isang aktibong gay person habang may oras pa siya sa mundong ito. Beginners earned Plummer an Academy Award for Best Supporting Actor. Napanalunan din niya ang British Academy Film Award, Denver Film Critics Society­ Award, Golden Globe Award, Los Angeles Film Critics Association Award, National Board of Review Award, Online Film Critics Award, and Screen Actors Guild Award, all for Best Supporting Actor.

The post Mga pelikulang lumaban sa karapatan ng mga beki, tibo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *