Mga pelikula ni Eddie ipinalabas sa huling burol

Nakatsikahan ko sina Senator-elect Bong Revilla, Jr. at Mayor Lani Mercado sa wake ni Eddie Garcia nung Sabado nang gabi sa Heritage Mortuary and Crematory. Ayon kay Bong, higit sa labindalawang pelikula ang pinagsamahan nila ni Eddie.

The post Mga pelikula ni Eddie ipinalabas sa huling burol appeared first on Abante News Online.

mga pelikula ni eddie ipinalabas sa huling burol - Mga pelikula ni Eddie ipinalabas sa huling burol
eddie garcia - Mga pelikula ni Eddie ipinalabas sa huling burol

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Mga pelikula ni Eddie ipinalabas sa huling burolNakatsikahan ko sina Senator-elect Bong Revilla, Jr. at Mayor Lani Mercado sa wake ni Eddie Garcia nung Sabado nang gabi sa Heritage Mortuary and Crematory. Ayon kay Bong, higit sa labindalawang pelikula ang pinagsamahan nila ni Eddie.

Pero bago raw ‘yon ay nakikita na niya ang beteranong aktor sa mga pelikula ng kanyang ama na si Ramon Revilla, Sr. at sa mga event kung saan karay-karay siya ng huli.

Kuwento ni Bong, hindi raw na-late ni minsan sa syuting nila si Eddie. Mas nauuna pa raw ito sa production at laging preparado sa kanyang karakter, at lalo na sa kanyang linya.

“Ako pa nga yung pagdating sa set, saka ko lang aaralin yung mga lines ko. Siya hindi. Hindi na kailangang mag-reading muna bago mag-take kasi kabisado na niya. Kaya kapag ang isang artista hindi prepared mahihiya ka talaga,” sambit ni Bong.

Ang isa pang hindi makakalimutan ni Bong ay ang suporta sa kanya ni Eddie sa pangangampanya noon.

“Wala syang pakialam. Hindi niya iniiisip kung ma-bash siya o mabatikos dahil sa pagsuporta nia sa akin. Nandun siya sa kampanya ko. Nandun rin siya sa oath-taking ni Lani,” kuwento pa ni Bong.

Ilan pa sa mga dumating sa huling burol ni Manoy ay sina Mother Lily Monteverde, Sylvia Sanchez, Al Tantay, Rey ‘PJ’ Abellana, Arnel Ignacio, Joey de Leon. Dumagsa rin ang mga stuntmen at mga director na nakasama ni Eddie sa pelikula.

Kahit maraming tao hindi nag-i-ingay ang mga fan sa tuwing nakakakita sila ng mga artista.

“Malayo sa mga bago at mas batang artista ang mga ve-teran actor. Game silang magpa-photo op sa mga tao kahit sa ganitong pagkakataon. Sa mga artista nga-yon, lalagpasan lang ang mga fan o kaya ay haharangin ng mga alalay o handler nila. Pagdating sa pakikisama sa masa, open sila, kaya hanggang ngayon mahal pa rin sila ng mga tao,” sabi ng isang beteranang kolumnista.

Wala ring ka-paguran sa pagi-istima ng mga bi-sita ang long time partner ni Eddie na si Lilibeth. Madalas siyang nakaupo sa gitnang bahagi ng wake room at nakikipag-usap sa mga dumarating.

May b­uffet table rin para sa lahat. Kung hindi kami nagkakamali, ang ABS-CBN 2 ang toka sa cate-ring dahil sa Kapamilya t-shirt na suot ng mga waiter. Sila rin kasi ang service crew ng 9501 restaurant na matatagpuan sa ELJ Building ng Dos.

May isang movie room na tinawag na “Cine Eddie” kung saan ipinapalabas ang ilan sa mga pelikula ng aktor.

Jay-R inakusahang adik sa droga

Tinatawag na adik ang R&B Prince na si Jay-R dahil sa katawan niya. Isang topless shirt photo ang pinoste ni Jay-R sa kanyang Instagram na kuha sa Boracay.

Dito ibinahagi niya ang saloobin kaugnay sa pamimintas ng marami sa body frame niya. Sabi ni Jay-R sa caption, marami ang nagsasabing masyado siyang payat, at pinayuhan siyang kumain nang marami. Ang pinakamatindi sa mga comment na natatanggap niya ay mukha raw siyang drug addict.

Pero ayon nga sa kanya, nag-effort siya na mag-weight pero mula sa genes ng kanyang parents ang slim figure niya. Kung noon medyo naaapektuhan siya sa mga comment ng mga tao, ngayon ay dedma na siya.

Well, dapat ngang magpasalamat si Jay-R dahil effortless ang pagkakaroon niya ng ganung frame, dahil ang iba ay halos gutumin ang sarili para makapagbawas lang ng timbang.

The post Mga pelikula ni Eddie ipinalabas sa huling burol appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *