Mga netizen pumalakpak: Mike Enriquez siningil ang mga nanalong politiko

Top trending nitong Martes ang batikang broadcast journalist na si Mike Enriquez dahil sa mga matatapang niyang salita ukol sa katatapos lang na eleksyon. Nasapul nga ng ‘Imbestigador ng Bayan’ ang sentim-yento ng maraming Pilipino na nagtatanong kung ano ang maaasahan natin sa mga nanalong kandidato.

The post Mga netizen pumalakpak: Mike Enriquez siningil ang mga nanalong politiko appeared first on Abante News Online.

mga netizen pumalakpak mike enriquez siningil ang mga nanalong politiko - Mga netizen pumalakpak: Mike Enriquez siningil ang mga nanalong politiko
mike enriquez - Mga netizen pumalakpak: Mike Enriquez siningil ang mga nanalong politiko

Top trending nitong Martes ang batikang broadcast journalist na si Mike Enriquez dahil sa mga matatapang niyang salita ukol sa katatapos lang na eleksyon. Nasapul nga ng ‘Imbestigador ng Bayan’ ang sentim-yento ng maraming Pilipino na nagtatanong kung ano ang maaasahan natin sa mga nanalong kandidato.

Sa isang punto ng #Eleksyon2019 coverage ng GMA-7, ‘di na napigilan ni Mike ang sarili at sinabi:

“Gusto ko silang singilin. Ano’ng maasahan namin sa inyo ngayon? Lahat ‘yan nangako eh. Kung kalahati lang sa pangako ng mga kandidato ay magkatotoo — kalahati lang, hindi siyento por siyento — aba eh napakagandang lugar nitong Pilipinas.”

Umani nga ng papuri sa netizens ang ginawang ito ni Mike. Sinasalamin daw ng Kapuso news pillar ang nararamdaman ng karamihan ngayon.

Kahit napakalaki ang posibilidad na ma-misinterpret at ma-bash siya ng ibang mga tao, hindi ito naging dahilan upang tumahimik na lamang siya.

Speaking of #Eleksyon2019 ng GMA-7, kaha-nga-hanga ang graphics effects nila, ha!

Napa-wow kami sa graphics effects na ginamit para sa nasabing election coverage. Opening gap pa lang, pasabog na ang pa-ilaw nila sa buil-ding nila na tugma sa kulay ng watawat ng Pilipinas. Nakakabilib pang lalo ang immersive graphics at animations na binida ng Kapuso coverage na naging usap-usapan sa social media.

Sa pamamagitan nga ng mga maka-bagong teknolohiya, mas maayos na naipa-intindi ng mga GMA News pillars na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino, at Jessica Soho sa mga manonood ang mga impormasyon ukol sa midterm elections.

The post Mga netizen pumalakpak: Mike Enriquez siningil ang mga nanalong politiko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *