Mga may kapansanan pararangalan ng Kapamilya

Magbibigay-pugay ang ABS-CBN sa manonood at tagapakinig nito sa pamamagitan ng isang serye ng video tampok ang kuwento ng mga Pilipinong nagpapakita ng magandang asal, katatagan, at karakter sa kanilang buhay at naging inspirasyon ng Kapamilya network sa mga nagdaang taon.

The post Mga may kapansanan pararangalan ng Kapamilya appeared first on Abante News Online.

mga may kapansanan pararangalan ng kapamilya - Mga may kapansanan pararangalan ng Kapamilya
kapamilya - Mga may kapansanan pararangalan ng Kapamilya

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Mga may kapansanan pararangalan ng KapamilyaMagbibigay-pugay ang ABS-CBN sa manonood at tagapakinig nito sa pamamagitan ng isang serye ng video tampok ang kuwento ng mga Pilipinong nagpapakita ng magandang asal, katatagan, at karakter sa kanilang buhay at naging inspirasyon ng Kapamilya network sa mga nagdaang taon.

Ibinahagi ang isa sa unang tatlong “tribute video” sa “TV Patrol” nu’ng Marso 27, at sa ABS-CBN Entertainment YouTube bilang parte ng selebrasyon ng network sa 65 taong paglilingkod sa mga Pilipino.

Tampok doon si Ryan Canda, isang talent show contestant na ipinanganak na may “cleft palate.” Dahil sa kapansanan, nagpursige siyang lina­ngin ang talento sa pagsasayaw, kung saan hindi kailangan ang pananalita at para makaiwas sa pa­ngungutya ng iba. Unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pangarap, lalo na nang umabot sa The Cut Round ang kanyang grupo sa “World of Dance Philippines.”

Samantala, si Enrique Vista naman ay isang person with disability (PWD) na hindi sapat ang kinikita para sa pamilya. Pangarap niyang mailabas ang misis na si Rowena at sa pamamagitan ng pagsali sa “Once Upon A Heart” contest sa DZMM, napanalunan niya ang matagal nang inaasaman na romantic date kasama ang kanyang mahal.

Isang masigasig na “Kapamilya” fan naman si Anthony Bendo, na sa kanyang mga paboritong drama at teleserye humuhugot ng lakas, tapang, at inspirasyon para magpursige sa pag-aaral at pagtatrabaho.

Ipinakilala ng ABS-CBN, isang kinikilalang broadcast pioneer sa bansa, ang teknolohiya ng telebisyon sa Pilipinas noong 1953. Noong 1967, ibinahagi ng unang chairman ng ABS-CBN na si Eugenio “Geny” Lopez Jr. ang motto ng ABS-CBN na “In the Service of the Filipino,” na patuloy na pinaninindigan ng network at mga empleyado nito.

Samahan ang Kapamil­ya network sa pagsaludo sa mga minamahal na Kapamil­ya sa pagdiriwang ng ika-65 na anibersaryo ng ABS-CBN sa panonood ng mga video sa “TV Patrol” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Mapapanood din ang videos sa ABS-CBN Entertainment YouTube.

The post Mga may kapansanan pararangalan ng Kapamilya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *