Mga makabagong bayani pinarangalan

Pinarangalan ng ABS-CBN ang mga ordinaryong Pilipino na nagpakita ng malasakit at pagmamahal sa kanilang kapwa sa ika-15 awarding cycle ng Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards.

mga makabagong bayani pinarangalan - Mga makabagong bayani pinarangalan
gawad - Mga makabagong bayani pinarangalan

Pinarangalan ng ABS-CBN ang mga ordinaryong Pilipino na nagpakita ng malasakit at pagmamahal sa kanilang kapwa sa ika-15 awarding cycle ng Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards.

Sa paghahanap ng ABS-CBN ng mga bagong mukha ng kabayanihan, may mga nakakamanghang indibidwal silang nahanap hindi lamang sa Pilipinas, kundi pati rin sa ibang bansa. Kabilang na rito ang mga doktor, guro, OFWs, Fil-Ams, at youth advocates.

“Our heroes are not endowed with any superpower, if at all they have any kind of power, it would be their great and deep love for their fellow Filipino, which allows them to transcend severe constraint of resources to find creative ways to serve,” pahayag ni Eugenio “Gabby” Lopez III, ABS-CBN chairman emeritus, tungkol sa mga makabagong bayaning Pilipino.

Dumalo ang ilang Kapamilya stars sa awarding ceremony bilang presenters at performers para ipagdiwang ang kabayanihan at hindi matatawarang serbisyo publiko ng awardees kabilang dito sina Kathryn Bernardo, Kim Atienza, “PBB Otso” big winner Yamyam Gucong, “PBB Otso” alumnus Fumiya Sankai, ang rapper na si Kritiko, Janine Berdin, Regine Velasquez-Alcasid at si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, habang nagsilbing hosts naman sina Gretchen Ho at Ogie Alcasid.

Layunin ng Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards na bigyang-dangal ang mga ordinaryong Pilipino na nagpapakita ng kahanga-kahangang serbisyo publiko para sa kanilang kapwa na itinatag ni ‘Kapitan’ Eugenio “Geny” Lopez Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *