Mga Kapuso star agawan sa Miss World PH crown

Tatlong Kapuso artists ang kala-hok ngayon sa Miss World PH 2019.

mga kapuso star agawan sa miss world ph crown - Mga Kapuso star agawan sa Miss World PH crown
ABANTE Michelle Dee - Mga Kapuso star agawan sa Miss World PH crown

abante i know better jun nardo 336x224 - Mga Kapuso star agawan sa Miss World PH crownTatlong Kapuso artists ang kala-hok ngayon sa Miss World PH 2019.

Sila ay sina Michelle Dee, Kelly Day at Isabella de Leon.

Dating child actress si Isabella na ngayon ay ehemplo na ng fitspiration ng ilang kababaihan dahil sa maganda nitong katawan.

Anak ni Melanie Marquez si Michelle, habang si Kelly ay da-ting Kapamilya star.

Eh, maraming title sa Miss World PH na sumasali sa unknown international pageants kaya hindi man sila palarin sa major title, may chance masungkit ang less known beauty titles sa ibang bansa.

Juday gaganap na Mother Lily

Si Judy Ann Santos ang gaganap na Mother Lily Monteverde sa bio-flick na gagawin ng Regal Entertainment at Reality Entertainment ng anak na si Dondon Monteverde. Ang premyadong director na si Erik Matti ang magdidirihe ng pelikula.

Sa Facebook page ni Direk Erik, sinabi niya na matagal na raw nilang nililigawan si Mother Lily para sa film bio ng Regal matriarch at nakapag-research na rin sila. Naganap ang meeting/series of interviews para sa project last Sunday.

“We will interview directors, designers, actors, managers, staff people and everyone who in one way or the other had been of the growth of Regal Entertainment as the film studio who produced the most number of films in the Philippine history.

“Written by Moira Lang and Mich Yama we present #TheMotherLilyStory to the big screen. This. I Am. So. Excited!”

Heto naman ang announcement ni Roselle Monteverde sa FB page niya.

“Finally we are at the works of doing a milestone movie with Erik Matti and his team. I am more than excited but passionate as well because it is the story of my mom and the mo-ther of a lot in the Phi-lippine entertainment industry. This is the story of “Mother Lily” to everyone that knows her and who has been part of her journey. I will finally announce this officially today. Dondon Monteverde.”

Naku, sobrang kulay ng buhay ni Mother Lily bago pa man siya pumasok sa showbiz at habang nasa mundo siya ng showbiz, huh!

Nakakuha na kami ng impormasyon kung paano ito magsisimula pero quiet muna kami. Exciting mapanood sa big screen ang kuwento ng buhay ni Mother Lily Monteverde!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *