Mga Kapamilya star tumanaw ng utang na loob sa ABS-CBN

Kabilang sina Ogie Alcasid at Kaye Abad sa mara­ming stars na nagpahayag ng kanilang pasa­salamat sa pagi­ging Kapamilya ng ABS-CBN 2, sa pagtungtong nito sa 65 years na pamamayagpag sa ere.

The post Mga Kapamilya star tumanaw ng utang na loob sa ABS-CBN appeared first on Abante News Online.

mga kapamilya star tumanaw ng utang na loob sa abs cbn - Mga Kapamilya star tumanaw ng utang na loob sa ABS-CBN
abs 65 - Mga Kapamilya star tumanaw ng utang na loob sa ABS-CBN

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Mga Kapamilya star tumanaw ng utang na loob sa ABS-CBNKabilang sina Ogie Alcasid at Kaye Abad sa mara­ming stars na nagpahayag ng kanilang pasa­salamat sa pagi­ging Kapamilya ng ABS-CBN 2, sa pagtungtong nito sa 65 years na pamamayagpag sa ere.

Ang pagsulpot ng logo ng Kapamilya na “65 years” sa social media, partikular na sa Instagram, ay napapanahon lalo’t naakusahan ang network ng sexual harassment, panggagamit at iba pa mula sa singer-acoustic songwriter na si Jimmy Bondoc, dahilan para umal­ma ang maraming stars nito.

Magkaiba ang pinanggagalingan ng pasasalamat nina Ogie at Kaye sa Kapamilya.

Kung hindi tinanggap ng ABS-CBN si Ogie matapos siyang kumalas sa dating TV station na GMA-7, posibleng walang regular na nilalabasang TV show ngayon ang singer, at baka mas napaaga ang pagreretiro nito.

Kaya naman hindi kataka-taka nang purihin, tanawan ng utang na loob ni Ogie ang Kapamilya sa pananatili niyang aktibo sa industriya bilang TV personality.

Ang Kapamilya ang nagbigay ng star sa karera ni Kaye sa acting, bilang isa sa pinakama­ningning at pinakamagandang young actress nu’ng kanyang kapanahunan.

Kahit wala pang planong maging active ulit sa acting si Kaye, hindi pa rin siya nakakalimutang alukan ng project.

Ang mister niyang si Paul Jake Castillo ay isang Kapamilya. Sa pareho nilang pananatili sa ABS-CBN nu’ng active pa sila ang nagdala sa kanila sa pag-iibigan hanggang sa kasalan.

Sa mga veteran o seasoned stars, malaki ang pagtingin ni Sylvia Sanchez sa Kapamilya. Ito ang nagbigay sa kanya ng bagong estado ng posisyon niya sa industriya.

Dahil sa mga lead series project, kinukunsidera ngayon si Sylvia na isa sa big star ng network sa henerasyon niya.

Daniel Padilla ayaw tularan ni Seth Fedelin

Aminado ang isa sa “The Goal Squad” ng seryeng “Kadenang Ginto” na si Seth Fedelin na maraming beses na siyang nakakatanggap ng comment na nahahawig siya kay Teen King Daniel Padilla.

Bukod sa kanyang mapupungay na mata, ngiti, speaking voice, may mga galaw rin si Seth na kaparehas ni Daniel.

Pero ayaw ni Seth na mabansagang “hawig” ng aktor, dahil mas gusto niyang makilala sa kanyang personality.

Itinanggi ni Seth na ginagaya niya si Daniel para mapansin siya ng viewers o ng mga showbiz fan.

Mula pagkabata, ito na ang kanyang itsura, ganito na siya kumilos, magsalita at gumalaw.

Nililinaw ni Seth, na idolo niya si Daniel at humahanga siya sa husay nito at sa mga achievements nito. Nais lang niyang makilala bilang siya at huwag manggamit ng ibang tao.

Malaki ang potential ni Seth na maging big star, lalo’t naghahatid siya ng kilig sa mga eksena nila ni Andrea Brillantes sa “Kadenang Ginto.”

MJ Lastimosa natakam kay Carlo Aquino

Nabaliw ang beauty queen at sex goddess na si MJ Lastimosa kay Carlo Aquino sa photo na pinaskil nito sa kanyang Instagram.

“GRABE, GRABE!” ang naging reaksyon ng Bb. Pilipinas-Universe 2014 Top 10 finalist sa comment na sinulat niya sa post ni Carlo.

Walang saplot na pang-itaas si Carlo sa pinaskil niyang larawan sa IG.

Naka-side view ang aktor at liwanag lang mula sa bintana ang umiilaw sa kanyang katawan.

Kitang-kita sa photo ang ka-machohan ng mahusay na aktor at ang mga balahibo sa ilalim ng kanyang pusod na tinatawag na­ting “karug.”

Ang rumehistrong kaseksihan ni Carlo sa topless photo niya at ang karug nito ang dahilan kung bakit nawala sa sarili niya si MJ.

Bukod kay MJ, may comment rin sina Marvin, Gladys Reyes, Darla at iba pa.

The post Mga Kapamilya star tumanaw ng utang na loob sa ABS-CBN appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *