Mga kabayong Platinum, Super Suwerte suspendido

Binigyan ng kaukulang parusa ang mga kabayong sina Platinum at Super Swerte dahil sa pagka-scratch nila noong Linggo sa pista ng San Lazaro Leisure Park.

mga kabayong platinum super suwerte suspendido - Mga kabayong Platinum, Super Suwerte suspendido
horse race 3 - Mga kabayong Platinum, Super Suwerte suspendido

Binigyan ng kaukulang parusa ang mga kabayong sina Platinum at Super Swerte dahil sa pagka-scratch nila noong Linggo sa pista ng San Lazaro Leisure Park.

Sasakyan sana ni reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the Year awardee O’neal P Cortez sa Race 1 si Platinum habang gagabayan dapat ni star jockey Jessie B. Guce sa Race 11 si Super Suwerte.

Ang dahilan ng pagka-scratch ay masakit ang mga paa sa pagkakapalit ng sapatos kaya mapapatawan ang dalawang kabayo ng suspension.

“Platinum and Super Swerte were scratched due to bruised sole; without vet. certificate presented, the said horses were suspended for not more than four (4) racing weeks subject to PR 71.A,” nakasaad sa inilabas na report ng Board of Stewards noong Linggo.

Samantala, nadagdagan ang timbang ng Alhambra mula 51.5 ay bumigat ito ng 52.5 kgs. nang tumakbo sa Race 12 sa nasabing araw ng karera.

Ayon sa BoS na umabot na sa 25th win ang hineteng si JO L. Siego. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *