Mga JoshLia fan na-depress sa ‘hiwalayan’

Nasa-sad ang JoshLia fans sa hindi matigil-tigil na tsikang hiwalay na ang mga idolo nilang sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

The post Mga JoshLia fan na-depress sa ‘hiwalayan’ appeared first on Abante News Online.

mga joshlia fan na depress sa hiwalayan - Mga JoshLia fan na-depress sa ‘hiwalayan’
joshlia - Mga JoshLia fan na-depress sa ‘hiwalayan’

abante anything goes jun lalin 336x224 - Mga JoshLia fan na-depress sa ‘hiwalayan’Nasa-sad ang JoshLia fans sa hindi matigil-tigil na tsikang hiwalay na ang mga idolo nilang sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

May mga fan naman ang dalawa na nagde-demand na linawin nina Joshua at Julia ang tsikang ‘yon.

Sabi ng ibang fan, sobra silang nade-depress sa tsikang hiwalayan ng dalawa, kaya deserve raw nila na ma-laman ang totoo.

Anytime kaya ay wil-ling na ang JoshLia love team na linawin ang tungkol sa hiwalayan nila?

Sabi naman ng ibang fans nina Joshua at Julia, kahit ano pa ang mangyari sa dalawa ay susuportahan pa rin nila ang “Block Z” zombie movie ng fave love team nila.

Well…

James pinaghahandaan ang ‘Darna’

Ang fans naman ng JaDine nina James Reid at Nadine Lustre, umaasang kaya raw nag-quit sa “Pedro Penduko” movie ang aktor ay baka raw pagha-handaan nito ang “Darna” movie na sinasabing mapupunta kay Nadine.

Baka raw si James ang magiging leading man ni Nadine kung sakaling si aktres na nga ang magbibida sa “Darna”?

Well, puro haka-haka muna ‘yan dahil wala pa namang official announcement ang Star Cinema kung sino na nga ba ang magbibida sa pelikulang ‘yan, ‘noh?!

Lovi pinigilan ng dyowa na bumalik sa ‘Pinas

7th day na ng June today, kaya may nagtanong sa akin kahapon kung bakit hindi pa rin nakakauwi ng bansa si Lovi Poe na on extended vacation sa Los Angeles, California?

Ang alam ko nga ay last week of May ay dapat nasa bansa na nga siya dahil sa two movies na sisimulan niya plus sa meeting ng new series niya sa GMA-7.

Sabi naman ng kausap ko, pauwi na raw sana talaga si Lovi, pero may “nangyari” raw nang paalis na ito sa L.A.

Hmph! Hindi kaya pinigilan si Lovi ng sinasabing boyfriend niya na taga-L.A.?

Anyway, sabi naman ng kausap ko, uuwi na rin naman talaga si Lovi.

Annabelle gigil na gigil kay Kai

Kung si Lovi ay hindi pa nakakauwi, sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Raymond Gutierrez naman ay nakabalik na noong isang gabi.

So, si Annabelle Rama, ibinalik na kina Richard at Sarah ang apong si Kai.

Si Esther Lahbati rin, ibinalik na si Zion kina Richard at Sarah.

Si Bisaya, bago ibinalik si Kai kina R­ichard at Sarah ay sobrang in-enjoy muna ang apo at nag-bonding sila sa isang mall.

“Ang cute-cute ng apo ko. Ang sarap pisil-pisilin,” sey ni Bisaya habang pinanggigigilan ang apo.

The post Mga JoshLia fan na-depress sa ‘hiwalayan’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *