‘Mga hate comment namin namnamin mo!’

‘Kung talagang matapang ka, i-open mo ang comment section ng Instagram mo!’

mga hate comment namin namnamin mo - ‘Mga hate comment namin namnamin mo!’
Julia Barretto 1 - ‘Mga hate comment namin namnamin mo!’

Hamon kay Julia

‘Kung talagang matapang ka, i-open mo ang comment section ng Instagram mo!’

‘Yan ang hamon ng mga fan kay Julia Barretto ngayon. Kasi nga, sa sobrang tapang daw ng statement ni Julia laban kay Bea Alonzo, parang mas kumulo ang dugo nila, at gusto nila na sa mismong Instagram wall ni Julia maglabas ng galit sa kanya.

Pero, hindi nga mangyayari ‘yon, dahil hanggang ngayon, ‘Comments on this post have been limited’ pa rin ang makikita mo. M­eaning, kahit mag-message ka, ii-screen pa rin ‘yon ni Julia, at kung positibo ito, puwedeng ma-post sa wall niya, pero kung panlalait lang, deleted agad-agad.

Kaya naman sa dinami-rami ng mga like ng IG post niya ng pagresbak kay Bea, na uma-bot na nga sa 509,792 ang mga like, kabaligtaran naman na super konti lang ang suporta ng mensahe, ha.

Imagine, Julia Barretto ka, pero 22 na mensahe lang ang mababasa sa wall mo? Ganu’n lang ba kakonti ang magagandang mensahe kay Julia? Anyare? Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *