Mga fan pumalag: Miss Bohol Pauline ‘binastos’ daw ni KC Montero

Ipinagtanggol ni Miss Bohol Pauline Amelinckx si KC Montero sa mga ngitngit ng mga fan dahil sa question and answer segment ng Miss Universe Philippines 2020.

The post Mga fan pumalag: Miss Bohol Pauline ‘binastos’ daw ni KC Montero first appeared on Abante.

mga fan pumalag miss bohol pauline binastos daw ni kc montero - Mga fan pumalag: Miss Bohol Pauline ‘binastos’ daw ni KC Montero
Pauline Amelinckx - Mga fan pumalag: Miss Bohol Pauline ‘binastos’ daw ni KC Montero

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Mga fan pumalag: Miss Bohol Pauline ‘binastos’ daw ni KC MonteroIpinagtanggol ni Miss Bohol Pauline Amelinckx si KC Montero sa mga ngitngit ng mga fan dahil sa question and answer segment ng Miss Universe Philippines 2020.

Sa nasabing portion ay pabalang daw na sinagot ni KC si Miss Bohol sa pangungumusta nito sa kanya at sinabing “no one ever ask me questions.”

Nag-sorry si Miss Bohol kasunod ng isa pang tanong nitong “Should I not done that?”

Kinuyog ng mga fan ang sa tingin nila ay pambabastos ni KC kay Miss Bohol, kasabay ang mensahe rito na dapat ay maging mabait ang host sa mga kandidatang ‘under pressure’ sa pageant.

“Just a heads up, the exchange between me and Ms. Bohol was edited. The exchange was actually a couple of minutes more of us joking with each other. Unfortunately it was cut and edited for time,” esplika ni KC.

“Apparently our conversation didn’t translate well on TV due to editing but @paulineamelinckx was actually one of the contestants I really enjoyed working with on stage. Wishing you only the best on the rest of your journey,” dugtong pa ni KC.

Pero, hindi pa rin naawat ang mga fan sa pagbatikos kay KC, kaya sumaklolo na si Miss Bohol.

“Hi, everyone! Apparently @kcmontero has been getting so much backlash on how our convo on stage went. Please let me put this out there. KC is a great and engaging host. We had a small talk before the QnA which helped me take a breath and calm my nerves before answering the Question. That part was indeed cut short of airtime. Regardless, what he said in response to me asking how he was doing was just humor to me. No harm was done in my eyes. But this has gone out of hand and I just want to remember the entire experience in the most positive way possible, because it was a positive experience to begin with,” sey ni Miss Bohol.

Gardo nahuhumaling sa high heels

Ayaw talagang paawat ni Gardo Versoza sa pagkahumaling sa mga sapatos na pambabae o high heels, na ginagamit din niya sa TikTok.

Pinoste ng aktor ang larawan ng heels na suot-suot ng babae, na sa pagkakasipat namin ay nasa 6 o 7 inches ito. Umakyat na nga sa mas mataas na level ang taste ni Gardo sa mas mataas na heels.

Umaasa ito sa caption ng photo na sana ay meron ring size 12 ang heels.

Pero lalake po si Gardo. May asawa at anak.

Vilma aprub sa pagpapaseksi ni Jessy

Aprubado at nag-thumbs up pa si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa sexy photo ni Jessy Mendiola sa Instagram. Makikita sa IG ni Jessy ang full body shot ng selfie photo sa salamin, suot ang two piece bikini.

Nagpapakita ito ng sexy figure ng aktres, na siyang nagpataas ng blood pressure kay Luis Manzano base sa naging reaksyon nito. At si Ate Vi naman ay nag-comment at bumilib sa kaseksihan ng kasintahan ng anak niyang si Luis.

“Wow Hess!!! Be healthy!” komento nito na may emoticon na thumbs up, flying heart kiss, smiley at pulang heart.

‘Baboy’ ni Marvin mabenta

Kina-career na ni Marvin Agustin ang pagiging lechonero. Mula nang i-post ni Marvin sa Instagram ang unang paglilitson ng maliit na baboy, nagsimula na itong gawing negosyo ng aktor.

Sa instagram video ay ipinakita ni Marvin ang ilang baboy na nakasalang sa kanyang oven na inorder sa kanya. Mula raw 4: OO am to 1:00 pm ay naglilitson na siya.

“Bago kong buhay, nakakapagod pero masaya at masarap!” sabi niya.

Nagbi-bake rin ng tinapay, cookies si Marvin na ibinibenta niya online.

Kahit hindi na bumalik sa paga-artista si Marvin, mabubuhay ito ng masagana sa galing nito sa negosyo.

The post Mga fan pumalag: Miss Bohol Pauline ‘binastos’ daw ni KC Montero first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *