Mga fan nataranta: KC ibinuyangyang ulit ang singit sa IG

Walang linggong lalagpas na hindi nag-iiwan ng pasabog si KC Concepcion sa iba’t ibang nakakalokang posting niya sa social media, lalo na sa pagpapasilip ng alindog.

The post Mga fan nataranta: KC ibinuyangyang ulit ang singit sa IG first appeared on Abante.

mga fan nataranta kc ibinuyangyang ulit ang singit sa ig - Mga fan nataranta: KC ibinuyangyang ulit ang singit sa IG
KC 1 - Mga fan nataranta: KC ibinuyangyang ulit ang singit sa IG

Walang linggong lalagpas na hindi nag-iiwan ng pasabog si KC Concepcion sa iba’t ibang nakakalokang posting niya sa social media, lalo na sa pagpapasilip ng alindog.

Kontrobersyal na naman si KC dahil sa muling pagbukaka niya sa kamera. Sa isa sa mga latest post niya sa Instagram, sumilip na naman ang singit ng dalaga habang nakaupo sahig, suot ang isang tangerine color bathing suit at nakataas ang isang binti.

Hindi nga lantad ang cleavage o mayamang dibdib ng aktres, pero masisilip naman ang singit nito. Gaya ng dapat asahan iba-iba ang reaksyon ng mga follower ni KC, may mga humanga sa kanyang kaseksihan at pagiging palaban, may ilan namang hindi pa rin sakay ang pagiging liberal o confident nito sa kanyang katawan.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pagbukaka ni KC habang nakaupo sa loob ng isang sasakyan.

***

Julia iniyabang mga mamahaling bag, sapatos

Dapat tularan si Julia Barretto sa pagiging masinop sa pera. Sa closet tour vlog ni Julia, isa-isa niyang ipinakita ang laman ng kanyang mga personal collection.

Mapapansin ang maraming signature bags ni Julia, pero wala siyang signature dress o gown.

Makikita ang Louis Vuitton, YSL, Prada, Chanel at iba sa eskaparate niya. Na ayon kay Julia, mahilig talaga siya sa bags. Pero, wala siyang ipinakitang Hermes sa mga koleksyon niya.

Pero, kaloka lang na lahat daw ng kanyang mga sapatos ay Louboutin dahil paborito niya ‘yon.

Anyway, ayaw bumili ni Julia ng mga signature clothes dahil bukod sa mahal ay minsan lang naman daw niya sinusuot. Sey pa niya, sa halip na ipambili niya ng damit ay ipambabayad na lang niya ng mga bill.

Naging kuripot si Julia mula nang magpademya at lumipat sa sarili niyang bahay. Siya raw kasi ang nagbabayad sa mga bill, pati na sa pangsuweldo sa mga kasambahay.

***

Camille may bagong palasyo

Hindi nagkamali si Camille Prats sa muling pagpapakasal sa pangalawang asawa dahil bukod sa tinanggap ang kanyang pinagdaanan ay pinasasaya pa siya nito nang husto.

Ipinagpapatayo lang naman si Camille ng kanyang mister ng bagong bahay. Nakaposte sa Instagram ng TV host ang larawang mahigpit silang magkayakap at nasa likod nila ang construction ng malaking bahay.

Hindi na kinakailangan pang sabihin ni Camille na sa kanila ang bahay dahil nasa caption na ang tinutukoy nito na isang blessing sa kanila.

The post Mga fan nataranta: KC ibinuyangyang ulit ang singit sa IG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *