Mga fan nairita:Jade/Yam binaboy sa ‘Halik’ finale

Karma. ‘Yan ang nangyari sa mga character nina Sam Milby (Ace) at Yam Concepcion (Jade) sa “Halik”.

The post Mga fan nairita:Jade/Yam binaboy sa ‘Halik’ finale appeared first on Abante News Online.

mga fan nairitajade yam binaboy sa halik finale - Mga fan nairita:Jade/Yam binaboy sa ‘Halik’ finale
Abante 2019 Yam Concepcion - Mga fan nairita:Jade/Yam binaboy sa ‘Halik’ finale

Karma. ‘Yan ang nangyari sa mga character nina Sam Milby (Ace) at Yam Concepcion (Jade) sa “Halik”.

Sa final episode ng “Halik”, parehong nakulong sina Jade at Ace, na dapat lang naman dahil sa krimen na ginawa nila.

Mabuti na lang at gumaling na rin si Jade sa sakit na tuberculosis, at nabigyan ng pagkakataon na maging nanay kay CJ, anak niya kay Lino (Jericho Rosales). Nang makalaya nga si Jade ay humingi siya ng tawad kay Lino.

Si Ace naman ay nanatiling nakakulong.

Samantala, sina Lino at Jacky (Yen Santos) ay nabigyan muli ng pagkakataon na bigyan ng pagkakataon ang mga puso nila.

At okey ba sa mga manonood ang finale ng “Halik”? Heto ang reaksyon nila:

Dice III: “Naging okay na yang si jade e. Kaso yung writer ginulo nanaman yang character nya dapat kung may pagbabago aba dapat tuluyan ng binago tapos pede parin naman sya maging maldita but in a right way. Kaso di lang talaga tinama ng writer sayang.”

ishabelle manalo: “True… kasi nung time na bumait si Jade parang sincere naman kaai xa nun… tapos biglang umabot sa punto ng kidnapan, kortehan, etc.. parang ang layo na sa trajectory ng character nya… parang sinagad sagad talaga nila na gawing super masama ang character nya kahit walang hugot basta lang masama xa.”

Ms. JB: “Kc nga baliw yung writer. Duda nga ako kung legit ba sya na writer or galing mental.”

Jasz J: “Obob kasi inextend ayan tuloy naging basura storya. Ok na sana nung una.”

Prince Tasnim: “Talagang kulilat ang writer kc. Kung natataandaan niu nong nag sasama c ace at jade nagka hilo hilo c jade lht tau nag sabi na buntis sia tapos ng pregnancy test sia lomabas na negative.. Tapos nong tomagal pg li live in nila ni ace bgla nahilo din sinabi na agad ng nurse na buntis na sia. Kya hanggang ngaun di parin ako maka paniwala sa kinalabasan na c lino tlga ang naging tunay na ama ng bata.”

acy saltorre: “Oo nga eh kung tinuloy tuloy lang nila un kaso hinaluan nila ng ibang flavor ung paghihigante eh wala naman na dapat ganun.”

rosa harrell: “hahaha true d kasi ngung effective yun pasok ni bianca king as kontrabida kaya binalk si jade as kontrabida ang gulo tuloy.”

John Doe: “Walang justice ang pagiging Masama ng character ni Jade.. Biglang twist sa story ang pagiging Masama nya. All of a sudden biglang nagalit at pinaghigantihan ang mga bartolome.. Kaya Luma­bas na martyr itong si Jackie.. But anyway great acting miss yam (jade) you portray the role very well, no doubt about it.. Proof are the awards that you get because of jade.. Good luck.”

Stef ytu: “Binaboy lang naman nila ang character ni jade. Grabe tapos ganito ang ending.”

blue boy: “Sa lahat ng teleserye n napanood ko eto lng ang kinainisan ko khit yung ending ayaw ko mpanood. Grabe ginawa nila sa role ni Jade.”

0004 22: “binaboy talaga nila character ni jade.. ‘jusko walang ganon sa totoong buhay.. kelerki yung writer mapahaba lng ang story.. hindi mn lng pinahirapan si ace ng matagal gaya ng hirap na dinaa­nan ni jade, pinutukan lng yung ano nya tapos yun na yun?? ganon kadali?”

The post Mga fan nairita:Jade/Yam binaboy sa ‘Halik’ finale appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *