Mga fan nagulantang: JK Labajo biglang nagpaalam

Marami ang nagulat sa desisyon ni Juan Karlos Labajo na magpaalam sa social media, at pati na sa showbiz.

The post Mga fan nagulantang: JK Labajo biglang nagpaalam first appeared on Abante.

mga fan nagulantang jk labajo biglang nagpaalam - Mga fan nagulantang: JK Labajo biglang nagpaalam
JK 1 - Mga fan nagulantang: JK Labajo biglang nagpaalam

dondon sermino 6 - Mga fan nagulantang: JK Labajo biglang nagpaalamMarami ang nagulat sa desisyon ni Juan Karlos Labajo na magpaalam sa social media, at pati na sa showbiz.

“Matagal akong mawawala. Salamat. Ingat. Hanggang sa muli. Paalam,” sabi niya sa huling Instagram post niya.

Marami rin ang nagtaka dahil binura niya ang mga larawan, post niya sa Instagram, at itinira lang niya ang solo photo niya.

May mga humula na baka promo `yon na susunod na single ni JK, na ang title raw ay ‘Paalam’. Pero, hirit ng iba, hindi naman ‘Paalam’ ang title ng susunod na kanta nito, at katunayan, sa BRB concert nga raw ay nagpaalam din ito.

“He’s taking break muna sa music, and sa band,” sabi ng isang fan.

May mga nag-iisip din na baka namatayan si JK, dahil sa kanyang itim na profile sa IG.

Anyway, wala ni isang follower niya ang sinagot ni JK sa mga pang-uusisa kung saan siya pupunta, kung ano ang sitwasyon niya, kung bakit siya aalis, kung bakit itim ang profile niya, kung bakit niya binura lahat ng mga photo nila.

Pero, nangako ang mga fan ni JK na handa silang maghintay sa pagbabalik ng kanilang idolo. Kung kailan, `yun ang hindi nila alam.

***

Never look back — Maureen

May mga nag-iisip na baka hiwalay na sina JK at Maureen Wroblewitz. Kasi nga, binura rin ni JK ang mga larawan nila.

“Hehe, hindi po. Ok na ok sila ni Mau. Sa BRB concert nila the other day nagpaalam din siya. He’s just taking a break muna siguro sa music and sa band,” sagot ng isang fan.

“Salamat naman, napaisip ako ng bongga sa nabasa ko. Ayoko silang maghiwalay,” say pa rin ng isang fan.

Anyway, sa IG ni Maureen ay makikita pa rin ang mga photo nila ni JK na magkasama, at sweet na sweet. Di ba nga, malalaman mong hiwalay na ang mga magdyowang artista kapag nagsipagburahan na sila ng mga photo na magkasama sila sa IG.

At sa Instagram story naman ni Maureen, masaya lang ito at walang baka na problema. Panay lang ang pasalamat nito sa mga negosyante na nagpapadala sa kanya ng mga produkto.

Pero, nag-iwan din ng alalahanin ang caption ni Maureen na nakatagilig diys at kita ang likod.

“Never look back… unless it’s for a photo,” sabi niya.

Well, ano ba talaga?

***

Apl.de.Ap suportado si Jelo

Si Jelo Acosta ang bagong artist ng Curve Entertainment, na isang singer, songwriter, rapper. Sa edad na 18, maituturing na henyo si Jelo sa rami ng alam niya.

Ang bongga nga ni Jelo na nag-trending siya bilang unang Filipino rap artist na nakapasok sa The Voice Philippines. Binanatan niya ang ‘Nadarang’ na pinasikat ni Shanti Dope.

Naging Team Apl siya, na obyus naman na idolo rin niya ang Black Eyed Peas member.

Pero siyempre, marami ang nanlait kay Jelo, na bakit daw sumali sa The Voice, eh, rapper ito at hindi singer, na karamihan sa sumasali ay mga belter o biritera. Pero, dedma lang siya, at katunayan, ngayon nga ay may single na siya, ang ‘Kengkoy’.

The song embodies pure positivity, and Jelo’s seriousness about his art. A full album is already in the works, all songs composed and written by Jelo himself, which should validate that he is one of the most significant rap artists to emerge in this generation.

The post Mga fan nagulantang: JK Labajo biglang nagpaalam first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *