Mga fan nagbunyi: John Lloyd balik akting na

Tila tumigil ang mundo ng mga fan ng aktor na si John Lloyd Cruz nang mapag-alamang may tinatrabaho umano ngayong pelikula ang kanilang idolo.

mga fan nagbunyi john lloyd balik akting na - Mga fan nagbunyi: John Lloyd balik akting na
abante john lloyd cruz ibon 1 - Mga fan nagbunyi: John Lloyd balik akting na

Tila tumigil ang mundo ng mga fan ng aktor na si John Lloyd Cruz nang mapag-alamang may tinatrabaho umano ngayong pelikula ang kanilang idolo.

Wala pang klarong detalye kung ano ang pinaghahandaan ng aktor pero kumakalat ngayon sa social media na nasa shooting ito at obviously ay magbabalik telebisyon o pelikula na ang aktor.

Maraming fan ang hindi maitatanggi ang pagkasabik na masilayan ulit sa TV o sine si Lloydie dahil higit isang taon nga itong nagpahinga sa showbiz industry.

Batay nga sa caption ng litratong kumakalat sa social media, ang aktor ay tila nagte-taping para sa bagong pelikula habang may hawak siyang puppet at may banner na nagsasabing “Amazing Ha Hernando Show”.

At heto pa! May kumalat rin na litrato ni Lloydie na nabawasan na ang kanyang balbas, ha! Hindi na siya “ermitanyo look”, kundi fresh baby face na ulit na minahal ng taumbayan.

Well, kahit naman maging balbas sarado siya, sabi ng mga fan, “John Lloyd is John Lloyd” at walang magbabago sa pagmamahal nila para sa kanilang idolo.

Matatandaang namahinga ang aktor sa industriya kasabay ang kanyang nobya na si Ellen Adarna at ngayon nga ay may anak na sila, si Elias Modesto na isang taon na ngayon.

Samantala, kamakailan nga ay nabalitang hiwalay na ang dalawa pero hanggang ngayon ay nananatili silang tahimik sa issue.

(Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *