Mga fan nag-iyakan sa ‘wasak na puso’ tweet ni Vice Ganda

NAIYAK ang ilang netizen (@Arby052393 sa isang tweet ni Vice Ganda kahapon.

mga fan nag iyakan sa wasak na puso tweet ni vice ganda - Mga fan nag-iyakan sa ‘wasak na puso’ tweet ni Vice Ganda
vice 13 - Mga fan nag-iyakan sa ‘wasak na puso’ tweet ni Vice Ganda

Jun Nardo I Know Better 11 336x224 - Mga fan nag-iyakan sa ‘wasak na puso’ tweet ni Vice GandaNAIYAK ang ilang netizen (@Arby052393 sa isang tweet ni Vice Ganda kahapon.

“God blessed my broken heart. And now it’s a happy heart,” tweet ni Vice.

Wala nang sumunod na tweet ang komedyante. At heto nga ang tweet ng netizen sa inihayag ni Vice; “Nakakaiyak naman to. Mahal ko kayo mami @vicegandako and daddi Ion Perez. Masaya ako kasi natagpuan nyo na ang isa’t isa.”

Marami ngang reaksiyon ang nakuha ng tweet na `yon ni Vice, na noon ay wasak ang puso, pero ngayon ay happy heart na.

Ay, totohanan ba ‘yung relasyong Vice-Ion, DS? Hahahaha!

Baeby Baste itinalagang protector ng mga bata sa Internet

LEVEL up na ang youngest Eat Bulaga Dabarkads na si Baeby Baste dahil isa na rin siyang protector ng mga bata sa dangers ng internet.

Nitong nakaraang mga araw, in-appoint si Baeby Baste ng US Homeland Security Investigations National Cyber Safety Campaign bilang ambassador para maghatid ng Awareness and Education to children and parents in the Philippines to protect themselves from the potential dangers of the internet.

Personal na tinaggap ni Baste ang recognition kasama ang isang stuffed toy.

Dingdong guwapong sundalo ang peg

MILITAR na militar ang hitsura ngayon ni Dingdong Dantes dahil sa estilo ng kanyang gupit. Sakto ang gupit niya sa role niya sa Philippine TV adaptation ng K-drama.

Lalong lumutang ang kaguwapuhan ni Dong sa gupit niyang ‘yon na kinalugdan ng netizens.

“Pogi!! Gayahin ko yan…” – @gson_ve.

“Pogi naman ni mahal,” -@annchoie.

Saad naman ni Dong sa hairstyle niya, “Ang isnapping malupit na malupit ni @nelsonpcruz. #CaptainLucas #BerlinCut.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *