Mga fan nabulabog: Sharon nagpasilip ng alindog sa IG

Apat na taon inabot ang pagpapayat ni Sharon Cuneta. At ngayon nga lang masasabing nagkaroon ng bonggang resulta.

The post Mga fan nabulabog: Sharon nagpasilip ng alindog sa IG first appeared on Abante.

mga fan nabulabog sharon nagpasilip ng alindog sa ig - Mga fan nabulabog: Sharon nagpasilip ng alindog sa IG
abante sharon cuneta 3 - Mga fan nabulabog: Sharon nagpasilip ng alindog sa IG

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 3 1 300x180 - Mga fan nabulabog: Sharon nagpasilip ng alindog sa IGApat na taon inabot ang pagpapayat ni Sharon Cuneta. At ngayon nga lang masasabing nagkaroon ng bonggang resulta.

“Exactly 4 years this month. I didn’t take it seriously kasi. Papayat, tataba. Now I’ve made a decision na,” sabi ni Megastar.

Gusto nga ni Sharon na ma-inspire sa kanya ang mga fan, na dumadaan din sa parehong problema.

Anyway, bulabog nga ang mga fan sa paandar ni Sharon sa Instagram. Nagpasilip ng hubog ng katawan, at legs ang Megastar.

“Went swimming and had this picture taken today. Now my swimsuit is a size 10. I haven’t been a 10 in many years. My normal size when I was thin was 6 or 8 & I would panic na pag 8! Now to get to size 6 means I need to lose the last 20 lbs. after so many years of trying to get rid of all this extra weight and losing anywhere from 60-80 lbs., 20 doesn’t seem like too much work anymore. Please pray for me. Then watch me. Hah!

“Thank You Lord for that all-important bonk on the head before 2020 ended that knocked me into my senses – now it’s even been helping me lose weight! Nyahaha! Galing ng Diyos talaga. Love you everyone! Thanks for your loving messages. #sharon2021.”

#sharon2021 hashtag on Instagram • Photos and Videos
10 Posts – See Instagram photos and videos from ‘sharon2021’ hashtag

Frankie nahiya sa kaseksihan ni Mega

Anyway, ang pagpu-pole dancing naman ang mukhang susunod na pagkakaabalahan ni Sharon, ha! Niyaya nga siya ni Ciara Sotto na sumabak na rin sa pole dancing, at game na game naman siya.

“Pano sis? Enroll na ko teacher na kita? Seryoso!” sabi ni Sharon kay Ciara.

“Game! Ako bahala sayo!” sabi naman ni Ciara.

“Totoo ha! Serious! Yahoo!!!” sey uli ni Mega.

Oh, di ba? Parang kaabang-abang makita si Sharon na lumalambitin, bumubukaka sa isang posting bakal.

Samantala, super proud nga si Frankie Pangilinan sa bagong alindog na ito ng kanyang ina.

“Timeless talaga mama ko shems nahihiya tuloy ako,” sey nito.

“Mas sexy ka naman! I am allowing you to post your video in your two-pc. kahit ayaw mo! Super sexy mo anak ikaw ang goal ko! Pag naka-hide na ako sa likod mo payat na ako pero parang pang-emergency call na ako nun huwag naman andaming may sakit,” pabirong sambit naman ni Sharon.

‘Boobey’ ni Heart pinagpiyestahan sa Instagram

Ang dami namang natulala sa aura ni Heart Evangelista. Halos lahat na yata ng adjective ay ibinato sa kanyang latest Instagram photo.

Stunning, perfection, ganda, seksi, lovely, gorgeous, at kung ano-ano pa.

Anyway, ang bongga rin kasi ng anggulo ng photo ni Heart, na talagang lutang na lutang ang kanyang pa-boobey, eh.

Although sanay na sanay n a ang mga fan niya palagi siyang may pa-cleavage sa mga gown, dress na sinusuot niya, parang ngayon lang nila nakita si Heart na naka-2 piece bikini, at lantad ang boobs.

Anyway, for sure, gusto lang ni Heart na pakiligin, aliwin ang kanyang mga fan. Kaya kahit alam ng lahat na hindi naman talaga nagswi- swimming si Heart kapag nasa dagat, at bagkus ay pictorial lang talaga ang ginagawa niya, aliw na aliw pa rin sa kanya ang mga netizen.

Kasi nga, kahit nasa tabing dagat na, nasisikatan ng araw, super fashionista, at emote na pang-modelo pa rin ang dating niya.

The post Mga fan nabulabog: Sharon nagpasilip ng alindog sa IG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *