Mga empleyado nag-iyakan sa ‘valedictory address’ ni Herbert

Waiting ang isang teleserye at pelikula kay Quezon City Mayor Herbert Bautista sa pagtatapos ng termino niya bilang pinuno ng siyudad nang siyam na taon.

The post Mga empleyado nag-iyakan sa ‘valedictory address’ ni Herbert appeared first on Abante News Online.

mga empleyado nag iyakan sa valedictory address ni herbert - Mga empleyado nag-iyakan sa ‘valedictory address’ ni Herbert
ABANTE herbert - Mga empleyado nag-iyakan sa ‘valedictory address’ ni Herbert

abante i know better jun nardo 336x224 - Mga empleyado nag-iyakan sa ‘valedictory address’ ni HerbertWaiting ang isang teleserye at pelikula kay Quezon City Mayor Herbert Bautista sa pagtatapos ng termino niya bilang pinuno ng siyudad nang siyam na taon.

Ngayong araw na ito, Linggo, ang huling araw ni Mayor Herbert bilang mayor. Bukas, Lunes, uupo na ang kapalit niyang si Mayor Joy Belmonte.

Nu’ng Biyernes ng hapon, isinagawa ni Mayor HB ang kanyang term-end report at valedictory address sa ipinagawa niyang covered auditorium sa loob ng Quezon City Memorial Circle. Kahit malungkot at nag-iyakan ang mga dumalo na mga empleyado, pinasasaya sila ni Mayor Bistek dahil sa sundot niyang pagpapatawa.

Inihayag niya sa kanyang report ang mga accomplishment niya sa Quezon City gaya ng mga bagong eskuwelahan, ang pabahay na Bistekville at marami pang iba.

Sa pagbaba sa puwesto, P26B as of June 15, 2019 ang iiwan niyang pondo sa bagong administrasyon. May naiwan pang collectibles na P6B plus mula sa real estate tax, business tax, community tax, socialized housing program, internal revenue allotment at ibang regulatory fees.

Taas-noong bababa si Mayor Herbert sa posisyon dahil sa pasasalamat sa tarpaulin niya, nakasaad ang, “Aming paninindigan maayos at mahusay na panunungkulan.”

Welcome back sa showbiz at mabuhay ka, Bistek!

Glaiza halos mahimatay nang maghubad sa dagat

Goodbye, ‘Pinas, bukas si Glaiza de Castro patungong London para mag-aral. Iiwan niya sa kanyang supporters ang isang romance-drama, “My Letters To Happy.”

Si TJ Trinidad ang kapareha niya na ilang beses na niyang nakatambal. Kaya naman sa interview kay Glaiza, inamin niyang wala na siyang inhibitions na makasama ang aktor.

“Kasi kung mag-adlib ako, anuman ang gawin ko sa eksena, tatanggapin niya lang. At very open siya sa collaboration, kung saan pupunta ang eksena,” saad ni Glaiza sa interview.

Sa unang pagkakataon, nag-two piece si Glaiza sa movie. “Hindi ako sanay na naka-two piece ako sa harap ng maraming tao. Okay lang ‘pag nasa vacation kayo.

“Eh ‘yung character ko, sobrang iba. Sa eksena, ang gustong gawin ni Happy (character niya), lumusong sa dagat at naghubad ng swimwear niya! Tumalon na lang ako sa dagat! Kabado ako bago ko gawin ‘yon!” sabi pa ni Glaiza na halos mahimatay raw siya sa eksenang ‘yon.

The post Mga empleyado nag-iyakan sa ‘valedictory address’ ni Herbert appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *