Mga eksena sa ‘Los Bastardos’ nakaka-stress

Mga eksena sa ‘Los Bastardos’ nakaka-stress

Sa pagtatapos ng “Los Bastardos”, haharapin ng magkakapatid na Cardinal ang pinakamalaking laban ng kanilang buhay—ang puksain ang kasamaan ni Catalina (Jean Saburit) gamit ang pagmamahal sa pamilya, pag-ibig at katapangan.

mga eksena sa los bastardos nakaka stress - Mga eksena sa ‘Los Bastardos’ nakaka-stress
los bastardos 1 - Mga eksena sa ‘Los Bastardos’ nakaka-stress

Binantaan si Direk:

Ni: Dondon Sermino

Sa pagtatapos ng “Los Bastardos”, haharapin ng magkakapatid na Cardinal ang pinakamalaking laban ng kanilang buhay—ang puksain ang kasamaan ni Catalina (Jean Saburit) gamit ang pagmamahal sa pamilya, pag-ibig at katapangan.

Mananatili pa rin ang pag-asa sa puso nina Isagani (Jake Cuenca), Lorenzo (Joseph Marco), at Lucas (Albie Casiño) na mahahanap nila si Connor (Joshua Colet) at muling mababawi si Matteo (Marco Gumabao) mula sa kamay ng mga kalaban ngayong isa-isa nang napapabagsak ang mga tauhan ni Catalina, dahilan para humina ang kanyang masasamang balak.

Ngunit sa likas niyang pagiging tuso, makakahanap si Catalina ng paraan na tirahin ang kahinaan ng magkakapatid na Cardinal—ang mga babaeng kanilang minamahal—na maglalagay sa kanila sa bingit ng kamatayan.

Tuluyan pa nga bang makumpleto ang pamilya Cardinal?

Sa loob ng halos isang taon, kinapitan ang kuwento ng “Los Bastardos” na nagpapakita ng matibay na samahan ng pamilya sa kabila ng mga problemang hinaharap. Kinapulutan ng aral ang pagmamahalan nina Don Roman (Ronaldo Valdez) at Soledad (Gloria Diaz) na parehong hindi sumuko sa kanilang walang kapantay na pag-iibigan kahit paulit-ulit silang sinubok ng tadhana.

Ang kanilang katatagan ang siya ring naging inspirasyon ng kanilang mga anak upang hindi sumuko sa hamon ng buhay. Mahirap man sa umpisa, namayani pa rin sa puso nina Isagani, Lorenzo, Lucas, at Connor ang pagiging magkapatid. Kahit pa napalayo sa kanila si Matteo, nananatili pa rin ang kagustuhan nilang maitama ang lahat ng pagkakamali nito.

Kinakiligan din ang serye sa matamis na pagmamahal na dala ng mga minamahal nilang sina Isay (Maxine Medina), Dianne (Ritz Azul), Coralyn (Mary Joy Apostol), at Lupita (Mica Javier) na sinamahan sila sa lahat ng laban kahit pa malagay sila sa kapahamakan.

Mula Oktubre 2018, tinutukan ng mga manonood ang serye at nagkamit ito ng all-time high national TV rating na 20.3%, ayon sa datos ng Kantar Media. Pinag-usapan din ito online, nanguna sa trending topics at nakalikom ng libo-libong views sa YouTube at iWant.

Narito ang reaksiyon ng mga manonood sa mga nakababaliw na eksena sa “Los Bastardos”:

Dhaszchxie Khatana Braza, “Juskolord Diane be strong, parating na si Lorenzo, di pwedeng mawala si Baby Heart.”

Adjie Antalan, “My God yung baby wag namn sana mawala not complete the end kapag ganun.”

Akrima Maliga Meto, “Kawawa C Diane Wag mong idamay ang baby ni Diane at Lorenzo direk kung ‘di na talga ako manuod sa pagsabi ni Diane na wag saktan baby nya naiyak ako. Heart Lorenzo bilisan mO para iligtas mag ina mo.”

Yt If, “Direk wag nmn sana mawala bebe ni Heart Lorenzo at Diane. At yung mga babae ng Cardinal kapag nawala yung mga babae ng Cardinal hindi na ako manonood.”

MASTER MIDNYT BLUE, “Parang sumakit yung matres ko bigla.”

Zed Shadow, “OMG anong ginagawa nila ke Diane, demonyo talaga tong si Catalina.”

pamela34, “Plssss…. huwag nyong patayin si Isay! Magkaka-baby pa sila ni Isagani! Ayaw ko ng manood pag si Isay pinatay niyo Direk! Pls…… I am hoping and praying for a nice ending for Isagani and Isay and also praying for IsayGani’s baby.”

Xenang Yoongi, “Stress ako sa nangyayari sa mga Cardinal girls. Hindi tuloy matapos plantsahin ko.”

shiela achas, “Naku naman po! Tagal namin inawitan yan na mabuntis si Diane, tapos gaganyanin nyo lang! Wag naman! Hang on Diane, Lorenzo is coming to save you and your baby.”

Jennifer Gan, “Stress ka na nga sa buhay. Stress ka pa sa nangyayari sa Cardinal Girls. Hahahaha!! Kakaloka! Too bad matapos na LB. Hands up sa acting!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *