Mga dasal, pangarap, leksyon sa buhay ni Alden

“Hindi nagbabago, mabait pa rin,” isa lang ito sa madalas na maririnig na paglalarawan o pagkakakilala sa Pambansang Bae na si Alden Richards na muling mapapanood ngayong gabi sa ikalawang taong anibersaryo ng “Daig Kayo ng Lola Ko” bilang Pinoy Santa.

The post Mga dasal, pangarap, leksyon sa buhay ni Alden appeared first on Abante News Online.

mga dasal pangarap leksyon sa buhay ni alden - Mga dasal, pangarap, leksyon sa buhay ni Alden
ABANTE Alden - Mga dasal, pangarap, leksyon sa buhay ni Alden

‘Kung ano ang tinanim mo, ‘yun ang aanihin mo’

Ni ROSE GARCIA

“Hindi nagbabago, mabait pa rin,” isa lang ito sa madalas na maririnig na paglalarawan o pagkakakilala sa Pambansang Bae na si Alden Richards na muling mapapanood ngayong gabi sa ikalawang taong anibersaryo ng “Daig Kayo ng Lola Ko” bilang Pinoy Santa.

Ang mga ganu’ng komento nga ang madalas marinig sa mga taong nakilala o naka­salamuha na si Alden noong nag-uumpisa pa lang ito. Pero maging ang mga bagong nakakakilala sa kanya ay kabaitan din niya ang unang napapansin.
Tinanong nga namin siya kung hindi ba mahirap mag-maintain ng ganu’ng image.

“Hindi po, kasi hindi naman siya image, kaya wala pong ­pressure,” ang tugon ni Alden.

Oo nga naman… kung isa lang itong imahen, siguradong ­mahirap itong panindigan.

Nine years ago, ni hindi nakapasa si Alden sa finalist ng “StarStruck V.” Pero sabi nga, if its meant to be, its meant to be. Hindi man siya nakapasok sa “StarStruck”, mas higit pa sa pagiging ultimate winner nito ang naging tagumpay niya sa career.

Unang teleserye pa lang niya ay bida na siya, ang ­“Alakdana” at nasundan ng mga sunod-sunod na malalaking teleserye pa sa Kapuso network. Ang pagiging phenomenal half of AlDub. Certified hit albums, concerts at mga shows here and abroad at in-demand endorser.

This year, another milestone in his career – hindi lang bilang isang actor kunsaan unang beses na gagawa siya ng pelikula sa Star Cinema katambal ang isa ring sikat na aktres sa Kapamilya network na si Kathryn Bernardo bilang isang businessman – Alden will have his own branch of McDonalds in Biñan, Laguna, bukod pa ito sa apat na branch na ng kanyang Concha’s restaurant.
Looking back to nine years ago, na-imagine niyang mangyayari pala sa kanya lahat ito?

“Hindi po, hindi po talaga,” nakangiting sabi niya.

“Dito ko po napatunayan na mangarap ka lang talaga at ipag-pray mo, do your best, walang imposible.”
Sa loob ng siyam na taon sa showbiz, kung may isang lesson siyang natutunan sa mundong ginagalawan niya, ano ‘yun?
“Kung ano ang tinanim mo, aani­hin mo, you reap what you sow. Legit ‘yun, legit na legit,” sabi pa ni Alden.

‘Sana may kambal!’

Sa tanong kung kailan niya nasasabi sa ­sariling ‘I’m working but I don’t feel like I’m working.”

“Kapag masaya ka at gusto mo ang ginagawa mo. Kasi, hindi naman mapepeke ‘yan kapag may ginagawa ka, pero hindi ka masaya sa mga output. Siguro, ‘yun ang key. Kapag masaya ka, contented, that’s when you can say, I’m not really working.”

Kung may gusto siyang ibahagi sa mga fan, sa publiko, ano ‘yun?
“Siguro, kasi ako po, I’m a very passionate actor. ‘Yung passion sana. Kasi, it applies din sa lahat, hindi lang sa pagiging artista. It applies in a lot of things, ­in terms of being professional at work, so, passion talaga, number one.

“Kung gusto mo ang ginagawa mo, ibuhos mo lahat.”

Ten years from now, maging actor/businessman daw ang nakikita ni Alden sa sarili na sabi namin, ‘yun na nga siya ngayon.
“More,” nakangiting sabi niya.

“Parang full-pledge businessman and actor. And to have family, gusto ko na.”
Ilang baby ang gusto niya?
“Three to four, sana may twins!” natatawang sagot niya.

***

Type maging Marvel superhero

Dream roles ni Alden:
1. Psychotic; 2. A Marvel superhero; 3. Father role.
Ano nga ba ang all-time favorite movies niya?

“Well, meron po akong napanood sa eroplano. Ang title niya, ‘Beautiful Boy.’ It’s about drug addiction and ‘yung story niya, really evolved in someone using drugs. It’s socially ­relevant.

“Mahilig po kasi ako sa mga mystery, so ‘National ­Treasures.’ Interactive siya. Maganda kasi ‘yung film na minsan, may involvement ka sa pinapanood mo.

“Then, ‘Hacksaw Ridge.’ Sundalo siya, pero ayaw ­niyang manakit. Kasi, very religious siya, ayaw niyang ­humawak ng baril.”
Ano naman ang mga paborito niyang kanta na akma sa buhay niya?
“HAPPIER by Marshmello,” saad niya.

“Maganda ‘yung message ng song at saka, ­‘Supermarket Flower’ by Ed Sheeran. Maganda ‘yung message ng kanta, tungkol sa lola ‘yun.”

***

Bucket list #5
Magpatayo ng simbahan

Masuwerte si Alden dahil ‘yung mga nakasulat daw sa bucket list niya, nagawa na niya ang iba. Kabilang na nga rito ang recent trip niya sa Alaska at makita ang Aurora Borealis.

“‘Yung iba kasi, nagawa ko na, pero puwede pang ­ulitin. Pero, ‘yung mga hindi ko pa nagagawa:
“Number 1, sky dive. Number 2, pumunta sa Antarc­tica. 3, makita ang Seven Wonders which is, nakaka-dalawa na ‘ko, ang ­Petra at Colosseum. So, ­meron pang-iba.

“Number 4, maka-travel ng first class sa eroplano. Business pa lang, so first class naman. Then, ­number 5, makapagpatayo ng ­simbahan.”

The post Mga dasal, pangarap, leksyon sa buhay ni Alden appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *