Mga big star ng Dos bawal gawing ‘extra’ sa Singko

Gaano kaya ka-true ang tsismis na natisod namin na nagkaroon pala ng miscommunication between or among some top executives ng Kapamilya network na nakipag-deal sa ilang producers na blocktimer o nagbabalak bumili ng timeslots sa Kapatid network?

The post Mga big star ng Dos bawal gawing ‘extra’ sa Singko first appeared on Abante.

mga big star ng dos bawal gawing extra sa singko - Mga big star ng Dos bawal gawing ‘extra’ sa Singko
abante tv 5 - Mga big star ng Dos bawal gawing ‘extra’ sa Singko

ambetabol ambet nabus 1 1 300x200 - Mga big star ng Dos bawal gawing ‘extra’ sa SingkoGaano kaya ka-true ang tsismis na natisod namin na nagkaroon pala ng miscommunication between or among some top executives ng Kapamilya network na nakipag-deal sa ilang producers na blocktimer o nagbabalak bumili ng timeslots sa Kapatid network?

Meron daw kasing mga under contract artist ang network na hindi puwedeng basta-basta na lang i-deal ng relative contract dahil sa mga “bawal na stipulations.”

Ito nga umano yung mga “bigger stars” na hindi puwede sa “buy-one, take one scheme” o yung isasahog na lang sa show kung dati’y mga “main attraction” ang mga ito.

Need pa rin daw siyempre ng Kapamilya Channel ng mga “major stars” nila na magsisilbing mga mukha ngayon ng ABS-CBN. In short, hindi daw puwedeng palabasin na lang ng ganun-ganun sa ibang network yung mga standard bearer kumbaga.

Mabuti na lamang daw at nag-prevail ang cooler heads at mas inisip nila ang sitwasyon ng mga nakakontrata nilang artista na medyo “maluwag” ang kontrata. Pero kung sa normal na mga araw raw nangyari ang lahat, tiyak umanong walang sumuko sa mga halos magka-murahan daw na mga bosses?

Talking of Covid lessons daw kaya para happy ang lahat, nagkita sila sa gitna for a win-win situation.

Kalokahhh!!!

Kim, Yam, Paulo ayaw sa TV5

Kaya siguro may pralala dati na hindi tinanggap ng TV 5 sina Vice Ganda, Coco Martin o Angel Locsin, noh?

Or merong gaya nina Yam Concepcion, Paulo Avelino at Kim Chiu na nagpahayag ding marespeto daw nilang tinanggihan ang offer to at least have a “guest” appearance sa TV 5.

Pero kung itatanong daw natin kung bakit si Papa Piolo Pascual ay balitang magho-host ng isang weekend program kasama si Catriona Gray, ay dahil nga raw sa isa nga yun sa mga naunang na-line up at nabigyan ng timeslot bago pa man nag-react ang sinasabing mga top executives.

May tsismis pa ngang “partly-co-producer” ang grupo nina Papa P, sa ibinabalitang weekend show.

Yun ang tsika!

The post Mga big star ng Dos bawal gawing ‘extra’ sa Singko first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *