Mga big star loyal pa rin: ABS-CBN buhay pa – Direk Lauren

‘Lilipat na nga ba ng ibang talent management, o ibang network ang mga Kapamilya stars, yan ang sasagutin natin sa vlog na ito.’

The post Mga big star loyal pa rin: ABS-CBN buhay pa – Direk Lauren first appeared on Abante.

mga big star loyal pa rin abs cbn buhay pa direk lauren - Mga big star loyal pa rin: ABS-CBN buhay pa – Direk Lauren
lauren - Mga big star loyal pa rin: ABS-CBN buhay pa – Direk Lauren

‘Lilipat na nga ba ng ibang talent management, o ibang network ang mga Kapamilya stars, yan ang sasagutin natin sa vlog na ito.’

Yan nga ang opening line ni Direk Lauren Dyogi, ang head ng entertainment ng ABS-CBN, sa kanyang vlog, o YouTube channel.

“Alam niyo po, bago mawalan ng prangkisa may ilan na nagpaalam sa amin na lumipat sa ibang network. Hindi naman ito bago, nangyari na ito noon, at pinayagan naman sila, dahil ayaw naming mapagkaitan sila ng kabuhayan. Kaya maari na makita niyo ang mga artista namin na guest sa ibang channel.

“Kahit noong hindi pa kami nawalan ng prangkisa maraming managers, talent agencies naang lumapit sa aming mga artista para tanungin kung gusto nila lumipat. Nakakatuwa po `yon, na ang aming mga Kapamilya stars ay in demand, de-kalibre talaga, kaya hinahabol sila ng management agencies.

“Pero, marami kaming nakausap na artista, na nagsabing loyal pa rin sila, at mag-stick lang sa Kapamilya network, hanggang sa makabangon. “Buhay na buhay pa rin ang ABS-CBN, nandiyan pa rin ang mga artista namin. Sa panahong ito kailangan magtulong-tulong, magdamayan,” sabi ni Direk Lauren na inamin nga na lahat ng artista nila ay pumayag na magbawas ng suweldo.

Anyway, inisa-isa nga niya ang mga nakalinyang mga proyekto ng Kapamilya channel. Nandiyan nga ang teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Pati na ang mga teleseryeng Walang Hanggang Paalam, Cara Y Cruz.

Tuloy pa rin daw ang paggawa ng pelikula ng Star Cinema. Nandiyan ang movie ni Vice Ganda na kasali sa MMFF. Four Sisters Before The Wedding. Love or Money. May horror movie rin daw si Kim Chiu.

Tuloy rin ang paggawa ng pelikula ng Black Sheep tulad ng Hello Stranger The Movie.

Nandiyan din ang mga digital shows nila na The Four Bad Boys and Me,

Ask Angelica, He’s Into Her, at at Apollo: Daniel Padilla Digital Concert.

Well… (Dondon Sermino)

The post Mga big star loyal pa rin: ABS-CBN buhay pa – Direk Lauren first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *