Mga bayani ng COVID-19 pinarangalan

Nakakatuwang malaman na sa may mga grupo, organisasyon, kumpaniya na nagbibigay parangal sa mga katangi-tanging Pinoy, at organisasyon dahil sa kanilang kontribusyon ngayong panahon ng pandemya.

The post Mga bayani ng COVID-19 pinarangalan first appeared on Abante.

mga bayani ng covid 19 pinarangalan - Mga bayani ng COVID-19 pinarangalan
abante bayani ng COVID 19 pinarangalan - Mga bayani ng COVID-19 pinarangalan

Nakakatuwang malaman na sa may mga grupo, organisasyon, kumpaniya na nagbibigay parangal sa mga katangi-tanging Pinoy, at organisasyon dahil sa kanilang kontribusyon ngayong panahon ng pandemya.

Pinarangalan nga sina Martin Xavier Peñaflor, Chief Executive Officer ng Tangere para sa Pilipino Ako Award; pati na si Minnie Pascual Klepacz, isang nurse mula sa United Kingdom at isa sa mga nanguna sa pagtatag ng Black Asian and Minority Ethnic (BAME) Network at Filipino Nurses Association United Kingdom (FNA-UK) para sa Matapang Ako Award.

Gusto ko ngang purihin ang katapangan nila sa mga hakbang at pagtulong na ginawa nila sa panahon na halos lahat ay natatakot lumabas ng bahay dahil sa Coronavirus.

At gusto kong pasalamatan ang Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) sa pagbibigay nila ng karangalan sa mga maituturing na mga bagong bayani ng COVID-19 sa katatapos na “Ginebra Ako Awards Year 3:

Pagkakaisa sa Gitna ng Pandemya” na ipinalabas sa isang virtual ceremony sa official Facebook page ng Ginebra San Miguel.

“Kahit na pagod, hindi mo mararamdaman ang pagod pag nakikita mo silang masaya tapos kapag nakikita mong gumagaling at bumabalik na sila sa trabaho. ‘Yun ang talagang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Kailangan mong tapangan ang sarili mo,” sabi ni Klepacz.

Bukod kina Martin Xavier Peñaflor, Minnie Pascual Klepacz, pinarangalan din ang Emergency Quarantine Facility Project nina Dr. Glenn Angeles at Architect William Ti para sa Lalaban Ako Award.

Ang mga runners-up naman sa bawat kategorya ay pinarangalan din tulad nina . Sr. Corrie Evidente, Hospicio de San Jose administrator (1st runner-up) at Ma. Cristina C. Evangelista, Rapid Deployment Hospitals founder at project head (2nd runner-up) para sa Pilipino Ako Award; Zion Enrico Roque Licup, iUplift Philippines Co-founder (1st runner-up) at Coleen Danielle Natividad, Food For Frontliners PH Founder (2nd runner-up) para sa Matapang Ako Award; at Anthony James Bautista, Ph. D ng LISA Logistic Indoor Service Assistant Robot (1st runner-up), at Dr. Francis Aldrin Uy ng USHER Technologies (2nd runner-up) para sa Lalaban Ako Award.

Lahat sila ay nakatanggap ng cash prize, tropeo para sa mga nanalo, at certificate naman para sa mga runners-up.

Ipinahayag naman ni Noli Macalalag na ang mga layunin at adbokasiya ng mga kinilala sa Ginebra Ako Awards ay sinasalamin ang tunay na diwa at kahulugan ng Ginebra San Miguel.

Sa loob ng 186 na taon, ang Ginebra San Miguel ay naging kabahagi na ng buhay ng mga Pilipino, simbolo rin ng kahusayan, katatagan, katapangan at pagkakaisa. (DS)

The post Mga bayani ng COVID-19 pinarangalan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *