Mga basher ni hunk actor sasampahan ng 250M kaso

Dra. Vicki Belo

The post Mga basher ni hunk actor sasampahan ng 250M kaso appeared first on Abante News Online.

mga basher ni hunk actor sasampahan ng 250m kaso - Mga basher ni hunk actor sasampahan ng 250M kaso
actor1 - Mga basher ni hunk actor sasampahan ng 250M kaso

abante anything goes jun lalin 336x224 - Mga basher ni hunk actor sasampahan ng 250M kasoNaku, Dondon, tiyak na ikakagulat ng lahat ang balak na pagdedemanda ng tatay ng isang controversial actor na madalas na i-bash dahil sa pagkakaugnay nito sa isang famous showbiz personality.

Hindi lang kasi bashers ang balak idemanda ng tatay ni controversial actor dahil may iba pa siyang idadamay na tiyak na ikawiwindang ng lahat at posibleng tuluyang ikatigil ng pamba-bash sa kanyang anak, pati na rin sa buong pamilya nila.

Kinakausap na ng tatay ni controversial actor ang kanyang mga abogado tungkol doon at hindi magtatagal ay magpa-file na nga sila ng demanda.

Kung sino-sino ang mga idedemanda, ‘yon ang magandang abangan!
Ang balita ko, P250 million damages ang balak isampa ng tatay ni controversial actor! Wow!

Teddy dinetalye ang matinding away kay Vice Ganda

Sa group interview para kina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz dahil aalis sila bukas para mag-observe sa pilot telecast ng “It’s Showtime” franchise sa Indonesia on Monday, inusisa ko sila kung nagkakapikunan din ba sila sa noontime show ng ABS-CBN.

Sa October kasi ay 10th anniversary na ng “It’s Showtime” at ikinuwento ni Teddy na napikon sa kanya si Jugs dahil sa spiel niya na “ang luwag” sa set nang absent ang kanyang madalas na ka-banter sa show.

Inamin naman ni Jugs na napipikon talaga siya noong una kapag ginagawang biro ang kanyang katabaan, huh! Pero ngayon naman daw, wala na ‘yon sa kanya at nasanay na siya.

Pero ang may pinakamatinding tampuhan ay sina Teddy at Vice Ganda raw noong first week pa lang ng show nila.

“Si Vice kasi, that time, naghuhurado pa siya. Concentrated talaga siya at ayaw niya ng maingay. Eh, doon sa kinalulugaran ko sa gilid, ang iingay ng mga dancer. Pero ako naman, nanonood lang sa TV na nasa malayo, doon ako nakatingin.

“Nang mag-react si Vice, ako ang nakita niya, pero sabi ko, hindi ako ‘yon at ‘yung mga dancer nga. Pero after no’n, hindi na niya ako binabati.

Tumagal nga ‘yon, hanggang sabihan kami ni Direk Bobet (Vidanes) na hindi puwedeng ganoon, kaya nag-close door meeting kami with Vice at niyakap ako ni Vice.

“Pero naging bating-bati talaga kami noong gabi na, nang tawagan ako ni Vice. Naayos na rin,” sabi ni Teddy.

‘Yung mga away at tampuhan daw, hindi naman talaga maiiwasan kahit sa magkakapamilya.

Very happy naman sila sa pagkakaroon ng first international franchise ng “It’s Showtime” sa Indonesia. Magmamasid lang daw sila kaya sila pupunta roon at wala naman silang working permit para mag-host din.

Pero ang maganda kina Jugs at Teddy, kinabisado nila ang theme song ng “It’s Showtime Indonesia” para makapagpa-sample raw sila kapag may nag-request.

Oo nga pala, kahit almost 10 years na ang “It’s Showtime,” madalas pa rin daw na napagbabaligtad ang pangalan nila.

Ogie sobrang na-touch sa tulong ni Belo

Ang sweet naman ni Dra. Vicki Belo. Kahit nasa Amerika siya ngayon, gusto niyang mag-support sa “Kuya Wes” movie ni Ogie Alcasid.

Nang malaman niya na ako ang nag-organize ng special screening mamayang gabi ng “Kuya Wes” sa Podium Director’s Club Cinema, pinatawagan niya ako para tanungin kung puwede siyang mag-support.

Sobrang love ni Dra. Belo ang mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid, kaya gusto niyang mag-support sa “Kuya Wes,” pero wala na rin enough time para makapag-schedule sila ng sariling special screening ng nasabing pelikula, kaya sasama na lang daw sila sa akin mamayang gabi!

Nang malaman nga ‘yon ni Ogie, sobra siyang na-touch kay Dra. Belo, huh!

The post Mga basher ni hunk actor sasampahan ng 250M kaso appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *