Mga basher hinarap: Gerald nagpakita ng ‘balls’, kapalmuks

Back to normal na ulit si Gerald Anderson na parang walang bagyong pinagdaanan sa controversial break-up nila ni Bea Alonzo at pagkaka-link niya kay Julia Barretto.

mga basher hinarap gerald nagpakita ng balls kapalmuks - Mga basher hinarap: Gerald nagpakita ng ‘balls’, kapalmuks
gerald 4 - Mga basher hinarap: Gerald nagpakita ng ‘balls’, kapalmuks

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 8 336x224 - Mga basher hinarap: Gerald nagpakita ng ‘balls’, kapalmuksBack to normal na ulit si Gerald Anderson na parang walang bagyong pinagdaanan sa controversial break-up nila ni Bea Alonzo at pagkaka-link niya kay Julia Barretto.

Binuksan ulit ni Gerald sa mga netizen ang kanyang Instagram, sa posting niya ng one-on-one basketball sa isang co-player. Sa video, ipinakita ni Gerald ang kakayahan niya sa naturang sport.

Marami ang nag-comment nang maganda kay Gerald at nagpahayag ng kanilang suporta sa aktor. Pero dahil bukas na ito sa lahat ng kanyang follower, nagsulputan ang mga basher ng aktor na ang tanging wish ng mga ito ay bumagsak ang career niya sa showbiz.

Tila handa na uling harapin ni Gerald ang mga detractor niya na nagmula sa eskandalo nila ni Bea. Nakakuha na ng lakas ng loob at kapal ng mukha si Gerald na hindi na masasaktan sa kahit na anong banat sa kanya ng netizen.

Well, sana nga ay noon pa niya ginawa ‘yan, na ipinakita niyang may balls talaga siya, at kapalmuks siya sa pagharap sa mga kumakalaban sa kanya.

Rafael maayos na nilayasan ang GMA

Iginiit ni Rafael Rosell na maayos ang pagkalas niya sa GMA-7 bago siya bumalik sa dating network ang ABS-CBN 2.

Sa panayam namin ni Dondon Sermino para sa “Abantelliling” kay Rafael sa presscon ng “Parasite Island” ay sinabi niyang nagpaalam siya nang maayos sa mga boss ng Kapuso network.

Habang nasa bakasyon at wala pang ginagawa si Rafael, pinag-isipan na raw niya ang mag-mini retirement showbiz.

Nilinaw niyang gagawin na lang niya kung ano ang gusto niyang project pero hindi titigil sa pag-aartista.

Ang manager niyang si Popoy Caritativo ang nagsilbing tulay sa pagbabalik niya sa Kapamilya.

Sa mga gaya ni Rafael na galing ABS-CBN at tumawid sa GMA-7, at nakabalik ulit sa Kapamilya, napakasuwerte niyang hindi siya nahirapang bumalik muli, na bida ulit siya.

Kabilang din sa “Parasite Island” sina Liza Lorena, Desiree Del Valle, Ria Atayde, Bernard Palanca, Michael Flores at ang mga young star na sina Kaori Oinuma, Paolo Angeles, Charlie Dizon, Fino Herrera, Bianca Manalo at iba pa, sa direksyon ni Avel Sunpongco and Richard Arellano.

Tony niregaluhan ng mamahaling alahas ang ina

Mas lalong nadagdagan ang pogi points ni Tony Labrusca sa lahat ng kanyang mga fan, lalo na sa mga babae dahil sa birthday message niya para sa ina.

Masisilip sa Instagram ni Tony ang mga daliri ng mommy niya, suot ang dalawang diamond studded rings sa magkabilang kamay nito. Ang dalawang singsing ay regalo ni Tony at nagkakahalaga nang mahigit sa P100,000.

Kahit sinong babae ay malulusaw kay Tony dahil ayon sa message niya ay deserve ng mommy niya ang ganitong pricy gifts dahil mahal na mahal niya ito.

Mahilig siyang magregalo sa kanyang mga mahal sa buhay lalo na sa kanyang ina. Ipinapakita lang ni Tony sa mga fan ang appreciation at love niya para sa mommy niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *