Mga babaeng markado, naeskandalo sa pagsusuot ng bikini

Tuloy ang init ng summer at hindi nagpapaawat ang ilang mga female star na mag-pose suot ang kanilang mga sexy swimsuit.

The post Mga babaeng markado, naeskandalo sa pagsusuot ng bikini appeared first on Abante News Online.

mga babaeng markado naeskandalo sa pagsusuot ng bikini - Mga babaeng markado, naeskandalo sa pagsusuot ng bikini
abante bikini - Mga babaeng markado, naeskandalo sa pagsusuot ng bikini

Ni Ruel Mendoza

Tuloy ang init ng summer at hindi nagpapaawat ang ilang mga female star na mag-pose suot ang kanilang mga sexy swimsuit.

Kung sisilipin mo ang mga social media post nina Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Anne Curtis, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Maja Salvador, Pia Wurtzbach, Isabelle Daza, Kelsey Merritt, at marami pang iba, wala silang takot na ipakita ang kanilang alindog ngayong tag-init.

But did you know that the first-ever bikini was designed in 1946 by French designer Louis Reard? The bikini was made of newsprint and featured a G-string strap, which was considered scandalous at the time.

Sa sobrang controversial ng bikini, walang models na gustong isuot ito. Pero ang dancer na si Micheline Bernardini ang pinasuot ni Reard ng kanyang two-piece bathing suit at bigla itong naging sikat.

Nagpaiba-iba ang itsura ng swimsuit sa pagdaan ng maraming panahon. Kaya heto ang ilang iconic swimsuits na pinag-usapan at hindi mawala sa isipan ng maraming kalalakihan:

***
Taong 1948 nang isuot ng Hollywood star na si Elizabeth Taylor ang isang halter-top bathing suit para sa isang portrait. Kumpara sa unang design ni Reard, mas conservative ang dating ng bathing suit ni Taylor. Unforgettable ang polka-dot one-piece swimsuit with built-in shorts na suot ni Taylor na nagpasikat pa sa kanya bilang isang classic pin-up girl.

***
Ang French actress na si Brigitte Bardot ay nagsuot ng isang iconic bikini sa 1952 film na “The Girl in the Bikini.” Ang kanyang shockingly low-waisted two-piece bathing suit ay nag-expose ng maraming skin kay Bardot, pero naging fashion choice ito noong mga panahon na iyon.

***
Ang pagsuot ni Marilyn Monroe ng bikini sa pelikulang “Something’s Gotta Give” noong 1962 ay nagdala ng malakas na impact sa American fashion and pop culture. Nude colored bikini ang sinuot ni Monroe with matching heels and jacket. Hindi natapos ang pelikula dahil inalis ang aktres sa pelikula, pero ang kanyang photo na naka-bikini ang siyang nagpapaalala sa marami sa pelikulang hindi natapos ni Monroe.
***
Nagmumura naman ang alindog ng Swiss actress na si Ursula Andress sa sinuot niyang white bikini sa James Bond film na “Dr. No.” Ang kanyang bikini, na string knotted sa harapan, ay equipped with a belt with a knife holder. Ni-replicate ni Halle Berry ang sexy look ni Andress sa 2002 Bond film na “Die Another Day.”

***
Isa sa naging in-demand na poster noong ‘70s na na-sold out sa lahat ng mga stores sa Amerika ay ang 1976 promotional poster ni Farrah Fawcett para sa TV show niyang “Charlie’s Angels.” One-piece red swimsuit ang suot ni Farrah at siya mismo ang nag-style ng kanyang hair and makeup. Hindi niya alam na isa pala ito sa magiging iconic images in fashion and pop culture.

***
Kabilang din si Carrie Fisher na naging icon sa pagsuot ng bikini. Naging pantasya ng maraming kalalakihan ang character niyang si Princess Leia nang isuot nito ang gold bikini sa 1983 film “Star Wars: Episode VI – Return of the Jedi.” Sinuot ni Fisher ang gold chain bikini sa kanyang eksena with Jabba the Hut. Ito na raw ang pinaka-memorable na bikini in film history.

***
Ang TV show na “Baywatch” ang nag-reintroduce sa red one-piece swimsuit na sinuot ng Canadian actress na si Pamela Anderson in 1995. Paulit-ulit na pinapanood ng mga boys ang slow-motion run ni Anderson habang hubog na hubod ang red swimsuit sa kanyang sexy figure. Ang Sunny Co. bathing suit company ang nag-replicate sa red swimsuit na iyon na pinangalanan nilang Pamela Sunny Suit. Na-sold out ito sa lahat ng retail stores sa Amerika.

***

Na-sold out naman ang kauna-unahang Sports Illustrated swimsuit edition cover ni Beyoncé Knowles in 2007. Napapayag ang superstar na isuot ang two-piece bikini na kulay orange and gold. Ang mix and match colors ay naging popular bikini design up to this day.

The post Mga babaeng markado, naeskandalo sa pagsusuot ng bikini appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *