Mga arsita nabuwisit ulit kay Duque

Kinuyog na naman ng mga artistang Pinoy si DOH Secretary Francisco Duque, kaugnay sa suhestyon nito kay Pangulong Duterte na ipatupad lamang ang travel ban sa mga papasok sa bansa kapag nasa level na ng community transmission ang new variant sa Pilipinas.

The post Mga arsita nabuwisit ulit kay Duque first appeared on Abante.

mga arsita nabuwisit ulit kay duque - Mga arsita nabuwisit ulit kay Duque
abante duque 1 - Mga arsita nabuwisit ulit kay Duque

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Mga arsita nabuwisit ulit kay Duque

Kinuyog na naman ng mga artistang Pinoy si DOH Secretary Francisco Duque, kaugnay sa suhestyon nito kay Pangulong Duterte na ipatupad lamang ang travel ban sa mga papasok sa bansa kapag nasa level na ng community transmission ang new variant sa Pilipinas.

Nangangahulugan na saka lang ipagbabawal ang pagpasok ng mga turista at ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng mundo, partikular sa United Kingdom, kapag pumalo na sa hindi maraming bilang ang mga tao na infected ng bagong variant ng COVID-19.

Kaya muling nanggigil sa galit ang maraming showbiz personality kay Sec. Duque.

Si Pokwang ay napa-‘My God’ sa kanyang tweet, at hindi mapaniwalaang likaw ang pag-iisip ni Duque.

Pumabor naman si DJ Chacha sa tweet ng isang netizen na si Duque ang ipasalubong sa mga pumapasok na mga traveller sa airport.

Nagmura sa kanyang tweet si Jason Abalos nang bumungad sa kanya ang balita.

Walang malasakit naman ang tweet ni Kean Cipriano kay Duque, at nanawagan itong mag-resign sa puwesto.

I’m sure mas dadami pa ang maglalabas ng kanilang galit kay Sec. Duque.

Nadine magtatanim ng 88K puno sa Zambales

Magtatayo ng 88,000 bilang ng mga puno si Nadine Lustre sa Zambales, bilang bahagi ng malasakit niya sa kapaligiran.

Ito ang mensaheng sinulat ni Nadine sa kanyang Instagram ng photo na nakaunat ang isang kamay nito paturo sa langit.

Ayon sa caption dalawang entity ang makaka-partner ni Nadine sa proyektong ito para suportahan ang isang foundation na nagsimula nang magtanim ng mga puno sa Zambales.

Pero hindi kakayanin ni Nadine na gastusan ang dami ng puno na nais niyang itanim, kaya naman humihingi siya ng P50 na halaga ng bawat buto o seedling na itatanim nila.

Hinihikayat din ng aktres ang mga donor na samahan rin silang magtanim, para sa sampung taong reforestation project na ito ng environmentalist foundation.

May ganito ring advocacy at project ang dyowa niyang si James Reid.

Sa lahat talaga ng bagay at trip ay magkatuwang sila ni James.

The post Mga arsita nabuwisit ulit kay Duque first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *