Mga anak nina Cesar, Jeric super harutan

Ang cute lang ng dating na magsasanib sa isang pelikula ang lahi nina Cesar Montano at Jeric Raval, ha! At yes, may anggulo pa ng pag-iibigan ang eksena nila.

The post Mga anak nina Cesar, Jeric super harutan first appeared on Abante.

mga anak nina cesar jeric super harutan - Mga anak nina Cesar, Jeric super harutan
abante jeric cesar - Mga anak nina Cesar, Jeric super harutan

dondon sermino 11 - Mga anak nina Cesar, Jeric super harutanAng cute lang ng dating na magsasanib sa isang pelikula ang lahi nina Cesar Montano at Jeric Raval, ha! At yes, may anggulo pa ng pag-iibigan ang eksena nila.

Bida nga sa pelikulang Loving Christine sina Diego Loyzaga (anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga) at Aj Raval (anak ni Jeric Raval), na dinidirek ni Yam Laranas.

May mga photo na ang dalawa na todo lambingan sila sa swimming pool. At mukhang may chemistry naman sila, na parehong guwapo, maganda, makisig, seksi.

“Hirap nung eksenang to grabe!!! Pleasure working with you, Christine,” sabi ni Diego sa photo nila ni AJ na halos maghalikan na.

Baby girl ni Jestoni bet maging brusko

Pangarap talaga ng anak ni Jestoni Alarcon, si Angela Alarcon, na maging action star. Gusto raw niyang magamit ang Taekwondo skills niya sa kanyang mga future project.

“Dream project ko talaga ever since is maging parte ng isang action teleserye. Puwedeng-puwede ko magamit ‘yung Taekwondo skills ko at martial arts. Mahilig talaga ako sa sports kaya puwedeng-puwede ko rin magamit ‘yung pagiging brusko ko sa action teleserye. At saka gusto ko rin mag-portray ng strong, adventurous, independent woman roles so hopefully magkaroon noon in the future,” sabi ni Angela, na mana sa tatay niyang action star.

Parte si Angela ng UP Taekwondo Varsity Team noong nasa kolehiyo siya. Pero sa personal, bagamat bet niyang maging brusko, babaeng-babae po si Angela, na bukod sa maganda, seksi, makinis pa.

The post Mga anak nina Cesar, Jeric super harutan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *