Mga anak ni Ai Ai nabiktima ng mga online scammer

Kaloka lang, dahil wala na talagang pinipili ang mga scammer ngayon.

mga anak ni ai ai nabiktima ng mga online scammer - Mga anak ni Ai Ai nabiktima ng mga online scammer
ai ai 3 - Mga anak ni Ai Ai nabiktima ng mga online scammer

Kaloka lang, dahil wala na talagang pinipili ang mga scammer ngayon.

Imagine, pati ang mga artista, anak ng artista, nabibiktima na rin talaga.

At parang walang epekto sa kanila ang CCTV, dahil nagagawa talaga nilang humarap sa mga biktima nila, ha!

Tulad nga ng nangyari sa mga anak ni Ai Ai delas Alas na parehong nabiktima ng online scammer. Si Sancho delas Alas ay nabiktima ng pinagbentahan niya ng relo, habang si Sophia delas Alas naman ay nabiktima ng binilhan niya ng tiket ng isang Korean artist.

Heto nga ang Instagram post ni Ai Ai na nagwa-warning sa mga netizen:

“MAG-INGAT SA MGA ONLINE SCAMMER — kagabi sabay pang na-scam ang mga anak ko… Si Sancho kasi madaming relos and binebenta na nya na yung iba tutal di naman na nya ginagamit. At si Sophia naman sa ticket para sa oppa Cha Eun Woo…

“Hay naku kung sino man kayong mga demonyo kayo ‘di man kayo mahuli pero naniniwala ako sa karma… makuha nyo man ‘yan ‘di nyo din yan mapapakinabangan kasi walang masamang gawain ang nagwawagi…

“At sinabihan ko din mga anak ko wag masyadong magtiwala sa mga tao ngayun kasi madaming masamang tao na mga pinsan o kapatid ng KALABAN ni Lord…

“Maging aral na lang ito sa kanila at sa atin na mag-ingat sa mga online sellers and buyers .. magandang umaga.”

Kaloka, ‘di ba? Gamit na gamit ang social media sa panloloko! Pero sabi nga nila, digital na rin naman ang karma ngayon. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *