Mga AlDub fan supalpal sa ABS-CBN

Ngayon nga ay puspusan ang pagpo-promote ng GMA star na si Alden Richards sa bakuran ng ABS-CBN dahil mayroon siyang pelikula kasama si Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye,” sa ilalim ng Star Cinema.

The post Mga AlDub fan supalpal sa ABS-CBN appeared first on Abante News Online.

mga aldub fan supalpal sa abs cbn - Mga AlDub fan supalpal sa ABS-CBN
aldub 3 - Mga AlDub fan supalpal sa ABS-CBN

Ngayon nga ay puspusan ang pagpo-promote ng GMA star na si Alden Richards sa bakuran ng ABS-CBN dahil mayroon siyang pelikula kasama si Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye,” sa ilalim ng Star Cinema.

Pero hindi pa nga naipapalabas ang pelikula, eh isang anunsyo na naman ang gumulat sa lahat dahil si Maine Mendoza, ipa-partner naman kay Carlo Aquino sa pelikulang “Isa Pa With Feelings” na ipo-produce ng Black Sheep, na pagmamay-ari din ng ABS-CBN.

Dahil nga sa career move na ito ng AlDub, hindi tuloy napigilan ng ilang Kapamilya supporter na balikan ang matinding ka-nega-han ng AlDub fan noon sa ABS-CBN. May nagsabing supalpal ang AlDub fans dahil sa Kapamilya network pa may pelikula ngayon ang dalawang GMA talents.

May iba namang nagpayong ‘wag tayong magbitaw ng masasakit na salita sa kapwa, kasi baka kainin din natin ‘yun sa huli.

“Hay nako, una si Alden gumawa ng film sa Star Cinema. Ngayon si Maine naman. Oh nasaan na ‘yung haters noong ng ABS-CBN? Sa Kapamilya pa sila may pelikula ngayon, ‘di sa GMA,” sabi ni @gilperez365.

“AlDub both may film sa ABS? Hmm. Pero dati fans nila galit na galit sa ABS. Ayan, umiikot talaga mundo. Dapat lagi lang tayo mabait,” tweet naman ni @charlessamonte.

Naku, maaanghang ang mga komento sa social media. Pero totoo ‘yan ha, dapat talaga lagi lang tayong nice sa kahit na sino. Never burn down bridges, ‘ika nga.

Ang lesson dito, lagi natin tatandaan na bilog ang mundo, hindi natin alam kung saan tutungo ang mga landas natin. Kaya sa mga fan diyan ng kahit na sinong love team, iwas na rin tayo sa gulo. Hindi niyo alam, baka ang mga bina-bash niyo, ‘yun pa ang makatulong sa career ng idols niyo.

The post Mga AlDub fan supalpal sa ABS-CBN appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *