Mga ‘Abantelling’ host sinuway ang red carpet security sa SONA

Kakaiba at bonggang-bongga ang naging karanasan namin ni Dondon Sermino sa pagdalo namin sa SONA 2019 para sa coverage ng Abante at “Abantelliling”, ang Facebook, YouTube at online page ng Abante.

The post Mga ‘Abantelling’ host sinuway ang red carpet security sa SONA appeared first on Abante News Online.

mga abantelling host sinuway ang red carpet security sa sona - Mga ‘Abantelling’ host sinuway ang red carpet security sa SONA
abante Abantelling - Mga ‘Abantelling’ host sinuway ang red carpet security sa SONA

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Mga ‘Abantelling’ host sinuway ang red carpet security sa SONAKakaiba at bonggang-bongga ang naging karanasan namin ni Dondon Sermino sa pagdalo namin sa SONA 2019 para sa coverage ng Abante at “Abantelliling”, ang Facebook, YouTube at online page ng Abante.

As early as 7pm ang assembly time para sabay-sabay na pumunta ang team kasama sina Athena Yap at Sarah Asido na magsisilbing stand upper para sa iba’t ibang side ng mga wing ng Batasan.

Sumunod na lang ang inyong lingkod mga 11 am, matapos magpagamot sa Medical City due to abdominal pain.

Anyway, maaliwalas ang buong kalye ng Commonwealth dahil dineklarang holiday ang araw ng Lunes. May mga nagtitipon-tipong mga raliyista na tutol sa pamama-lakad ni President Rodrigo Duterte sa relasyon nito sa China.

Magalang at maaliwalas ang encounter namin sa mga entrance security personnel. Mas maangas pa ang mga security ng mga mall na bastos at mayayabang.

Sa lobby, nakapuwesto na ang iba’t ibang media team sa gilid ng red carpet na hindi pinapadaan muna habang hindi pa tumutungtong ang 1pm na siyang umpisa ng programa.

Nakapuwesto ang Abante team sa bandang unahan ng carpet malapit sa entrance. Kung hindi kami kilalang mga media practitioner ni Dondon, papasa ka-ming mga congressman o may katungkulan sa gobyerno dahil sa mga itsura namin. Masyadong maayos ang pagkaka-plantsa ng aming mga barong. Limitado ang galaw para hindi magusot at hindi pagpawisan. Mainit ang fabric ng barong kaya tiis-tiis sa loob ng lobby na hindi yata naka-yanan ng aircon dahil sa dami ng tao, o wala talagang aircon kundi malalaking fan lang.

Siyempre, hindi kami kinabahan, pero ang tanong lang namin, “Paano ‘yan, hindi natin kilala ‘yung ibang politiko?” Kaya ang naging solusyon, “yung mga kilala na lang natin at mga celebrity ang interbyuhin natin.”

Ang instructions ng red carpet head, dadaan sa side ng media ang lahat ng mga kilalang personalidad para ma-interview at makunan ng mga larawan.

Eh, unang dumating sina Aiko Melendez na napaka-sexy sa suot niyang Filipiñiana gown kasama si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun.

Sa sobrang excitement namin ni Dondon at sa pagnanais naming maka-interview agad-agad ng personality, hinabol namin sina Aiko at Jay sa kabilang side ng red carpet (dahil doon sila dumaan).

Wala kaming kamalay-malay na binali namin ang instruction na hanggang sa side lang ng media puwede ang mga press.

At siyempre, pagkakita sa amin nina Aiko at Vice Gov. Jay ay nagpaunlak agad sila ng interbyu.

Natawa si Aiko sa tanong ni Dondon kung kailan ang “wedding bells”. Tumingin si Aiko kay Jay at ito ang sumagot na “priority muna namin ang aming mga kanya-kanyang mga career.”

Hindi namin namalayan na nagsipagsunuran pala sa amin ang ibang miyembro ng media at nakisali sa interbyu namin kina Aiko at Jay.

At ‘yun na nga, nasilip ng mga mata namin ang isang red carpet security na hinihintay kaming matapos sa interbyu. At doon nga kami sinabihan na bawal ang media sa part na ‘yon.

Napailing habang nangingiti ang mga red carpet security sa pasa- way na dalawang bading na hindi sumunod sa kanilang mga instruction. Pero in fairness, magalang sila sa pagre-remind sa amin.

Natawa nang husto si Dondon nu’ng maalala niyang bawal ang ginawa namin. Kaloka!

Anyway, ‘yun na nga ang na-ging buhay namin nu’ng Lunes, hintay ng mga personalidad, mag-i-interbyu, uupo, tatayo, magpapalakad-lakad, makikipagtsika-han, magmu-monitor ng cellphone.

Eh, mas marami ang nakatayo moment, na parang apat na oras yata. At lumipas ang mahabang oras, kaya nakalimutan na na-ming mag-lunch.

Nainterbyu namin si Sen. Risa Hontiveros na ang damit ay gawa ng local desig-ner at ang sapatos ay yaring Marikina. May mga nakita rin kami na ginastusan talaga ang kanilang mga kasuotan partikular na ang mga kababaihan na ayaw pakabog sa okasyong ito.

At ilang oras pa, nanginig na ang mga laman namin ni Dondon sa pinagsamang gutom, pagod (at puyat na rin).

‘Haggard’ ang word of the day naming dalawa dahil literal namang nakakapagod ang eksena sa SONA. Kaya magusot man ang mga pinakakaingatang
barong namin ay sumalampak na kami sa sahig para mag-lunch.Pero siyempre, super poise pa rin kami sa pagkain ng fried chicken na hindi namin inalis sa foil.

Well, suma total, bongga ang expe-rience namin sa SONA bilang mga online host, at nakakatuwang naaliw sa amin ang ilang mga politiko na matagal na naming kilala.

Worth it ang effort at pagod, lalo at super supportive ang aming mga bos-sing na sina Sir Rey Marfil at Sir Gil Cabacungan. Hindi nga kami nagpakabog sa mga malalaking TV network.

Anyway, sa susunod ay pag-usapan naman natin ang mga guest na bonggang-bongga ang dating para sa amin.

The post Mga ‘Abantelling’ host sinuway ang red carpet security sa SONA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *