‘Metamorphosis’ hindi lang puro kalibugan – Direk Tiglao

Pinatawan ng X-Rating ng MTRCB ang pelikulang “Metamorphosis” na kalahok sa Cinema One Originals Film Festival nitong Miyerkoles.

metamorphosis hindi lang puro kalibugan direk tiglao - ‘Metamorphosis’ hindi lang puro kalibugan – Direk Tiglao
meta - ‘Metamorphosis’ hindi lang puro kalibugan – Direk Tiglao

Pinatawan ng X-Rating ng MTRCB ang pelikulang “Metamorphosis” na kalahok sa Cinema One Originals Film Festival nitong Miyerkoles.

Si Jose Enrique Tiglao ang sumulat, nagdirek ng pelikulang ito na pinagbibidahan ni Gold Aceron. Ang tema ay tungkol sa isang tao na dalawa ang ari. Na mula sa pagkabata ay nabuhay si “Adam” bilang isang lalaki, pero nu’ng nag-teenager na siya ay bigla siyang niregla.

May mga eksena nga sa movie na hindi inaprubahan ng MTRCB. Dahil dito, nagbigay ng pahayag si Direk Tiglao sa social media:

“JUST IN: Our film metamorphosis was NOT approved by MTRCB for public viewing. Hindi R-16 or R-18 man lang. Sabi nila ‘not suitable for public exhibition’ daw dahil sa ilang maseselang eksena.

“The daring scenes aim to humanize the character who is an intersex. Intersex people are victims of stigma and misconceptions due to their unconventional anatomy. They were called ‘freaks’ and ‘abnormal’.

“Ang mga eksenang ito ay hindi lamang purong kalibugan. Ito ay pagpapakita ng kanilang pagkatao, ng kanilang sexual desires, ng kanilang pagkalito at pagkabigo– mga bagay na pinagdadaanan nating LAHAT, intersex man o hindi.

“Ang mga eksenang ito ay paghahayag na sila din ay mga TAO. Na walang mali sa kanila. Na sila ay normal. They are beautiful as they are.

“We will try to re-edit the film tonite to lessen the daring scenes pero hindi ko maipapangako na matatanggal ko ang lahat masunod lang ang kanilang standard sa puntong mawawalan na ng bayag ang pelikula.

“Bukas pupunta akong MTRCB and try to defend the latest cut. Bahala na.

“Ang lungkot lang isipin na mukhang hindi niyo mapapanood ang putol ng pelikula na gusto namin para rito. Pelikula na sana, sa unang pagkakataon, ay magrerepresent sa mga kapatid nating intersex sa larangan ng pelikula.

“#LabanMeta #MetaFilm.”

Kahapon nga ay dinala nila ulit sa MTRCB ang pelikula nila, na kung saan ay tinanggalan nga, o pinutol na nila ang dalawang segundong eksena.

“Today is MTRCB’s second review and last chance to defend it to be allowed for public viewing. Maninindigan kami sa aming ORIGINAL CUT. The most we can do is to cut only TWO SECONDS from one scene as Plan B. That’s it.

“PS Mga mamser, palayain na natin yung paruparo oh! #LabanMeta.”

Heto nga ang kuwento rin niya sa kung paano ba nabuo ang pelikulang ito:

“Share lang. Sinimulan kong isulat ang metamorphosis noong 2015. Nakapasok sa Cinemalaya noong 2016 pero nagback-out ako kasi kulang sa budget. Tuloy ang pagri-revise ko ng script noong 2017. Tapos pinasa ko sa Cinema One Originals noong 2018 at nakapasok ngayong 2019. Mapapanood na sana sa Linggo, biglang di daw pwede sabi ng MTRCB.

“Matutulala ka na lang eh. Ang tagal mong inilaban pero ngayon pa ba susuko? Bahala kayo MTRCB, hindi ako magmamakaawa sa inyo bukas pero hahagulgol ako sa harapan ninyo.

#IntersexAwareness #LabanMeta.”

Anyway, sa pagkakaalam ko, ang mga naunang Cinema One Originals Film Festival ay hindi dumaan sa MTRCB. Ito nga ang unang pagkakataon na sumalang ang lahat ng kasaling pelikula sa festival na ito sa MTRCB. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *