Mental Heath Awareness Month: Mga pelikulang sumuporta, tumalakay sa sakit sa pag-iisip

Ang buwan ng Mayo ay itinalagang Mental Health Awareness Month.

The post Mental Heath Awareness Month: Mga pelikulang sumuporta, tumalakay sa sakit sa pag-iisip appeared first on Abante News Online.

mental heath awareness month mga pelikulang sumuporta tumalakay sa sakit sa pag iisip - Mental Heath Awareness Month: Mga pelikulang sumuporta, tumalakay sa sakit sa pag-iisip
Mental Heath - Mental Heath Awareness Month: Mga pelikulang sumuporta, tumalakay sa sakit sa pag-iisip

Ang buwan ng Mayo ay itinalagang Mental Health Awareness Month.

Sa United States, kung saan ang tawag dito ay Mental Health Month, nagsimula ito noong 1949 at sinusuportahan ito ng milyon sa pamamagitan ng media, local events at screenings ng mga pelikula tungkol sa sakit na ito.
Sinimulan ito ng Mental Health America organization (then known as the National Association for Mental Health) at bawat taon simula sa mid-March, Mental Health America releases a toolkit of materials to guide preparation for outreach activities during Mental Health Month.

During the month of May, Mental Health America, its affiliates, and other organizations interested in mental health conduct a number of activities which are based on a different theme each year.

Sa ating bansa, inoobserbahan din natin ang Mental Health Awareness Month. Naipapakita natin ito sa pamamagitan ng mga pelikula na tumatalakay sa iba’t ibang sakit sa pag-iisip.

Heto ang ilan sa mga pelikulang iyon:

TAGOS NG DUGO (1987)

Mula sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes, kuwento ito ni Pina na nakaranas ng matinding trahedya sa kanyang buhay. Nasaksikhan niya ang pagpatay sa kanyang pamilya at ginahasa siya habang nagkaroon siya ng kanyang unang regla. Lumaki si Pina na may iba’t ibang personalidad na siyang ginagamit niya para patayin ang mga lalakeng mananakit sa kanya. Bida rito si Vilma Santos sa isang tour-de-force performance bilang si Pina na may multiple personality or schizophrenia na isang chronic brain disorder “that can include delusions, hallucinations, trouble with thinking and concentration” at nagiging bayolente sila. Nanalo rito si Vilma bilang best actress sa FAMAS. Kasama rin sa pelikula sina Michael de Mesa, Richard Gomez, Joey Marquez, Miguel Rodriguez, Mark Joseph, Francis Arnaiz, Tony Santos at Caridad Sanchez.

DEMENTIA (2014)

Directorial debut ito ni Perci Intalan na tungkol kay Mara na nahaharap sa mental disease na dementia. Dinala siya ng kanyang pamangkin sa ancestral home nila sa Batanes at baka may pag-asa pa itong maayos ang pag-iisip. ‘Yun pala, mas magiging malala ang sakit ni Mara dahil muling bumalik ang mga multo ng nakaraan sa buhay nito. Bida rito si Nora Aunor at kasama sina Jasmine Curtis Smith, Bing Loyzaga, Yul Servo, Jeric Gonzales at Chynna Ortaleza.

#Y (2014)

Mula sa direksyon ng millennial director na si Gino Santos, ang “#Y” ay tungkol sa kasalukuyang henerasyon na naaapektuhan ng social media, internet, sex, drugs and alcohol, at ang kanilang laging sinasabi na YOLO (You Only Live Once). Bida rito si Elmo Magalona bilang si Miles na isang suicidal teenager na may mga kaibigan na may kanya-kanyang problema sa buhay. Dahil sa mga pinagdaanan niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan, mas gugustuhin na lang ni Miles na mamatay. Kasama rin sa pelikula sina Sophie Albert, Kit Thompson, Coleen Garcia, Slater Young at Chynna Ortaleza.

THE TRUTH AS TOLD IN LIES (2015)

Isang depressed high school student ang nag-attempt ng suicide at na-paralyze habang ang kanyang ina ay nalulungkot na nakikipag-usap sa isang doctor tungkol sa puwedeng mangyari sa kanyang anak. Mula sa direksyon ni Ira Giorgetti, tungkol ito sa abandonment and abuse na nangyayari sa mga taong iniiwan natin. Bida rito sina Issa Litton, Ponti Bernardo at Alex Diaz.

BLISS (2017)

Isang successful actress si Jane Ciego (Iza Calzado) na nag-produce ng kayang sariling pelikula. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naaksidente siya at na-disabled siya. Nagtago siya sa isang bahay para maiwasan ang media at inaalagaan siya ng kanyang asawang si Carlo (TJ Trinindad) at isang malditang nurse na si Lilibeth (Adrienne Vergara). Habang tumatagal si Jane sa kanyang pagtago at pag-iwas, kung ano-ano na ang nakikita ni Jane sa bahay hanggang sa takasan na siya ng matinong pag-iisip dahil sa kanyang depression. Ang psychological thriller na ito ay dinirek ni Jerrold Tarog at nanalo rito si Iza bilang best performer sa 12th Osaka Asian Film Festival.

The post Mental Heath Awareness Month: Mga pelikulang sumuporta, tumalakay sa sakit sa pag-iisip appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *