Melbelline Caluag humagulgol sa ‘Abantelliling’

Umagos ang luha ni Melbelline Caluag sa live guesting niya sa “Abantelliling” last Tuesday (April 2). Hindi na napigilan ng “The Clash” Top 12 finalist ang sariling maglabas ng kanyang mga hinaing kaugnay sa pinagdaraanang kontrobersiya sa pagitan nila ng mga basher, na sabi-sabi ay mga fan ni Kyline Alcantara.

The post Melbelline Caluag humagulgol sa ‘Abantelliling’ appeared first on Abante News Online.

melbelline caluag humagulgol sa abantelliling - Melbelline Caluag humagulgol sa ‘Abantelliling’
Melbelline Caluag - Melbelline Caluag humagulgol sa ‘Abantelliling’

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Melbelline Caluag humagulgol sa ‘Abantelliling’Umagos ang luha ni Melbelline Caluag sa live guesting niya sa “Abantelliling” last Tuesday (April 2). Hindi na napigilan ng “The Clash” Top 12 finalist ang sariling maglabas ng kanyang mga hinaing kaugnay sa pinagdaraanang kontrobersiya sa pagitan nila ng mga basher, na sabi-sabi ay mga fan ni Kyline Alcantara.

Hindi matanggap ni Melbelline na tawagin siyang “pokpok” at “demonyo” ng mga basher niya sa social media.

Mabigat ang loob ni Melbelline sa isyu lalo at wala naman daw siyang pinatutungkulan na kahit sino sa isa niyang statement na dapat sana ay sila-sila lang ng kanyang mga avid fan ang nag-uusap.

Nag-ugat ang isyu sa isang comment ni Melbelline sa private group chat nila ng kanyang mga fan, ang “Melbellinatics.”

Tinatanong si Melbelline sa pagwawakas ng karakter niya sa seryeng “Inagaw na Bituin.” May sinabi raw si Melbelline na parang “okey lang, mahirap makipagtrabaho sa ahas” at may nag-screenshot sa sinabi niyang ‘yon, at inilantad sa social media, at ginawa na ngang isyu sa kanila ni Kyline.

Dito nagsimula ang pamba-bash kay Melbelline ng kung sino-sino at tinawag siya sa kung ano-anong masasakit na salita.

First time ni Melbelline na maka-engkuwentro ng ganitong isyu sa ilang buwan pa lang niya sa showbiz mula nu’ng matapos ang “The Clash” last year.

Nilinaw ni Melbelline sa interview namin ni Dondon na maganda ang samahan nila nina Kyline at Therese Malvar sa set ng “Inagaw Na Bituin” noong buhay pa ang role niya sa serye.

Iisa ang holding area o tent na pinagpapahi­ngahan nila, at sinabi nitong maayos ang kanilang samahan.

Nilinaw rin niyang alam na niya sa simula pa lang nu’ng ialok sa kanya ng GMA-7 ang role ay mamamatay nang maaga ang kanyang karakter, at walang kinalaman si Kyline kung bakit nawala kaagad siya sa serye.

Hindi umaasa si Melbelline na titigilan siya ng mga basher. Pero hindi ito dahilan para hindi niya ipagpatuloy ang karera at ang pangarap niyang magtagumpay sa showbiz.

Bagama’t wala pang bagong acting project si Melbelline, may gagawin siyang original sound track sa isa sa mga bagong seryeng lalabas sa Kapuso network. Si Melbelline ay under ng Curve Entertainment ni Mr. Ciso Chan.

Mapapanood pa ang kabuuang episode ni Melbelline sa “Abantelliling” sa Facebook page na Abante News Online, Abante Tonite at YouTube.

The post Melbelline Caluag humagulgol sa ‘Abantelliling’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *