Melai pinautang si Francine ng pambayad ng bahay, kuryente

Certified star na talaga ang bida ng “Kadenang Ginto” na si Francine Diaz. Top rating ang kanilang serye at walang humpay pang pinag-uusapan sa social media.

The post Melai pinautang si Francine ng pambayad ng bahay, kuryente appeared first on Abante News Online.

melai pinautang si francine ng pambayad ng bahay kuryente - Melai pinautang si Francine ng pambayad ng bahay, kuryente
ABANTE melai - Melai pinautang si Francine ng pambayad ng bahay, kuryente

Sana all!

Certified star na talaga ang bida ng “Kadenang Ginto” na si Francine Diaz. Top rating ang kanilang serye at walang humpay pang pinag-uusapan sa social media.

Pero nakakagulat na laki pala sa hirap si Francine. Maputi siya at mukhang mayaman, pero sa kuwento niya sa “Magandang Buhay,” may moment palang muntikan na silang mapalayas.

“Kasi po muntik na talaga kaming mapalayas noon tapos wala kaming ilaw noon talaga po, so nakaligpit na po gamit namin, nasa box na, nakaayos na. Tapos hindi po namin alam kung saan kami lilipat, tapos wala po kaming kuryente,” kuwento ni Francine.

Pero sa panahong iyon, si Melai Cantiveros daw ang tumulong sa kanila para bumangon. Nagkatrabaho na pala sila sa seryeng “We Will Survive” noong 2016.

“Tapos pinaki-usapan po namin si ate Melai kung puwede manghiram ng ganito, ganyan, tapos sumagot po siya, so ‘yun nakabayad kami ng renta namin, sa ilaw, kaya hindi po kami napalayas dahil kay ate Melai,” sabi ng dalagita.

Tugon naman ni Melai, “Kasi nga may pinagsamahan talaga kami nito ni Francine. Mahal na mahal ko ‘tong batang ‘to. Kaya pag-ingatan mo ‘tong blessing na ibinigay sa’yo.”

O ‘di ba, kapag matiyaga ka talaga, maaabot mo ang mga pangarap mo. Inspirasyon ang kuwentong ito ni Francine sa mga kabataan na ‘wag sumuko at lumaban lang para sa pamilya. (Dondon Sermino)

The post Melai pinautang si Francine ng pambayad ng bahay, kuryente appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *