Meghan Markle nanganak na?

Nanganak na ba si Meghan Markle? Ito ang tanong ng maraming netizens dahil sa ku­malat na balitang nakapanganak na raw ang Duchess of Sussex sa panganay nila ni Prince Harry pero tinatago raw nila ito sa publiko.

The post Meghan Markle nanganak na? appeared first on Abante News Online.

meghan markle nanganak na - Meghan Markle nanganak na?
meghan 1 - Meghan Markle nanganak na?

Nanganak na ba si Meghan Markle? Ito ang tanong ng maraming netizens dahil sa ku­malat na balitang nakapanganak na raw ang Duchess of Sussex sa panganay nila ni Prince Harry pero tinatago raw nila ito sa publiko.

Naglabas kasi ng statement ang Buckingham Palace kamakailan saying: “The Duke and Duchess of Sussex are very grateful for the goodwill they have received from people throughout the United Kingdom and around the world as they prepare to welcome their baby. Their Royal Highnesses have taken a personal decision to keep the plans around the arrival of their baby private.”

Nag-maternity leave kasi si Meghan noong March 20 at inaasahan nila na by this time ay nakapanganak na ang duchess.

Dahil may sariling Instagram account na ang royal couple with 4.5 million follo­wers, ina-assume nila na doon ia-announce ang pag-arrive ng royal baby nila.

May nakapagsabi na hindi manganganak si Meghan sa Lindo Wing ng St. Mary’s Hospital kunsaan ipinanganak ni Kate Middleton ang tatlong anak nila ni Prince William. Sa Lindo Wing din nanganak si Princess Diana kina Prince William at Prince Harry.

Ang due date raw talaga ni Megahn ay “late April” at inaabangan na ito ng marami, unless hindi nila ito ibabalita kaagad.

Gusto raw ng duke and duchess na maging pribado ang lahat, lalo na sa pagpapalaki nila sa kanilang anak. Ito ang isang dahilan kung bakit sila umalis sa Ken­sington Palace at lumipat sa kanilang sariling bahay sa Frogmore Estate sa Windsor kunsaan malayo sa media at mapapalaki nila nang tahimik ang kanilang anak. (Ruel Mendoza)

The post Meghan Markle nanganak na? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *