Megan, Mikael hiwalay muna ng 22 araw

Puspusan na ang paghahanda ng cast ng ‘Love of My Life’ para sa nalalapit na 22-day lock-in taping ng serye lalo pa at karamihan sa kanila ay first time sasabak sa bagong taping protocols.

The post Megan, Mikael hiwalay muna ng 22 araw first appeared on Abante.

megan mikael hiwalay muna ng 22 araw - Megan, Mikael hiwalay muna ng 22 araw
Mikael Daez 1 - Megan, Mikael hiwalay muna ng 22 araw

Puspusan na ang paghahanda ng cast ng ‘Love of My Life’ para sa nalalapit na 22-day lock-in taping ng serye lalo pa at karamihan sa kanila ay first time sasabak sa bagong taping protocols.

Dahil mahaba-haba ang magiging lock-in taping nila, ngayon pa lang ay masinsinan nang pinaghahandaan nina Coney Reyes, Carla Abellana, Rhian Ramos, at Mikael Daez ang kanilang mga dapat dalhin sa set.

“Minsan iniisip mo, ‘kailangan ko ba talagang dalhin ito?’, ‘Baka hanapin ko kapag nandu’n ako,’ mga ganu’n tsaka ‘yung mga pagkain,” sabi ni Coney.

Sey naman ni Mikael, iniiwasan niya ang magdala ng maraming gamit.

“As much as possible dahil work trip ‘to I’d like to avoid that. Mahirap kung kulangin ng underwear mga gano’n. Essentials like that sana hindi ko na isipin.”

Dahil limited ang bilang ng tao sa set ay naisipan naman ni Carla na magdala ng portable cooker.

“It’s a travel cooker. At least anytime, magutom man, or if anybody wants food, may maliit ako na packable lang siyang cooker,” sabi niya.

So, 22 days palang iiwan ni Mikael si Megan Young, ganun din ni Carla si Tom Rodriguez. (Dondon Sermino)

The post Megan, Mikael hiwalay muna ng 22 araw first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *