Megan, Kim, Kris pagsasaluhan si Rayver

Mukhang hindi pa natatapos sa “Asawa Ko, Karibal Ko” ang love team ng Kapuso stars na sina Rayver Cruz at Kris Bernal! Magbabalik ang kanilang tandem sa isang suspense-thriller series kasama sina Megan Young at Kim Domingo.

The post Megan, Kim, Kris pagsasaluhan si Rayver appeared first on Abante News Online.

megan kim kris pagsasaluhan si rayver - Megan, Kim, Kris pagsasaluhan si Rayver
Rayver Cruz - Megan, Kim, Kris pagsasaluhan si Rayver

abante talbog joe barrameda 336x224 - Megan, Kim, Kris pagsasaluhan si RayverMukhang hindi pa natatapos sa “Asawa Ko, Karibal Ko” ang love team ng Kapuso stars na sina Rayver Cruz at Kris Bernal! Magbabalik ang kanilang tandem sa isang suspense-thriller series kasama sina Megan Young at Kim Domingo.

Welcome blessing ito ayon kay Rayver dahil kumportable na siyang katrabaho si Kris. At ang suwerte niya dahil tatlong babae ang magpapaligaya sa kanya, ha!

Ayon naman kay Kris, dapat abangan ang kanyang new soap dahil mayroon siyang first time na gagawin dito. Hmm, ano kaya ‘yon? Ngayon pa lang, curious na kami kung ano ito!

Solenn ayaw magpinta ng lalakeng hubo

Pasok na rin ang kaakit-akit na si Solenn Heussaff sa “Love You Two” at makikigulo siya kina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion. Nanibago raw siya dahil walang love scene o kissing scene kay Gabby, at puro patawa raw ang gagawin niya.

Mas maganda raw ito kumpara sa mga heavy drama na naranasan niya before. Maganda raw sa kalooban unlike sa mga drama na dala-dala mo sa pag-uwi.

Okay raw agad sila nina Gabby at Jennylyn.

Anyway, hangang-hanga nga pala ako kay Solenn dahil sa husay niyang mag-paint. Sa mga nakita ko na ginawa niya ay puwedeng-puwede talaga siyang makipagsabayan sa mga sikat at dekalidad na painter.

At sabi nga pala niya, hindi raw siya kumpor-table na mag-paint ng mga nude boys. Parang masagwa raw, unlike sa mga babae na normal na lang na i-paint ng kahit sino.

May pina-paint daw si Jen sa kanya na kakaibang design na ilalagay niya sa carpet. Ang bongga ni Solenn, ‘di ba?

Jason hanga kina Max, Sophie

May pa-appreciation post si Kapuso actor Jason Abalos para sa kanyang mga co-star sa GMA Afternoon Prime series na “Bihag.” Sa Instagram post ng aktor, pinuri niya sina Max Collins, Jade Lopez, Nicole Donesa at Sophie Albert sa kanilang makapigil-hi-ningang fight scene kung saan nagsabuyan sila ng pintura sa katawan!

“Hindi nyo lang mamahalin ang bawat character na kanilang ginagampanan pati na rin sila dahil sa pagmamahal nila sa kanilang craft,” sabi ni Jason.

Napahanga talaga si Jason sa kanilang professionalism at talagang bigay-todo silang apat sa eksenang ito kahit mapuno ng putik ang kanilang katawan at damit.

The post Megan, Kim, Kris pagsasaluhan si Rayver appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *