Meg Imperial nagpaulan ng kaseksihan sa Indonesia

Aminado naman si Meg Imperial na big bone siya, na medyo tabain, lalo na kapag napabayaan na kumain, at tinamad mag-gym.

The post Meg Imperial nagpaulan ng kaseksihan sa Indonesia appeared first on Abante News Online.

meg imperial nagpaulan ng kaseksihan sa indonesia - Meg Imperial nagpaulan ng kaseksihan sa Indonesia
meg - Meg Imperial nagpaulan ng kaseksihan sa Indonesia

Aminado naman si Meg Imperial na big bone siya, na medyo tabain, lalo na kapag napabayaan na kumain, at tinamad mag-gym.

Pero, alam niyo ba na maraming lalaki ang bet na bet ang kaseksihan ni Meg. Mas type nga nila ‘yung may laman, at hindi ‘yung super skinny na raw, na halos wala nang mahawakan pa.

Voluptuous nga ang deskripsiyon sa ka­seksihan ni Meg. At yes, pinaghihirapan ni Meg ang pagkakaroon ng sexy body.

Kaya naman sa bakasyon niya ngayon sa Bali, Indonesia, kasama ang mga kaibigan, walang kakiyemehan niyang ipinakita ang kanyang kaseksihan. Oo nga naman, pinaghirapan niya ‘yan, kaya dapat lang na i-enjoy niya ‘yan, at magsilbi siyang inspirasyon sa mara­ming kababaihan, na tulad niya ay nagdaraan din sa ganitong sitwasyon.

“For the past couple of weeks I’ve been wor­king so hard for the body I wanted. I’m not yet there but I will. For the person who keeps pushing me to get up and go to the gym every day… Thank you! Kahit nakakainis na minsan. Hahaha!” sabi ni Meg.

“Loving yourself starts with liking yourself, which starts with res­pecting yourself, which starts with thinking of yourself in a positive way,” sabi pa niya ulit.

Well, base nga sa mga komento sa Instagram post na ‘yon ni Meg, mas marami talaga ang natatakam sa kanyang kaseksihan, na kahit ang mga kapwa niya artista, na sobrang seseksi na rin, nakakaramdam ng paghanga sa kanya, ha!

The post Meg Imperial nagpaulan ng kaseksihan sa Indonesia appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *